by Eli San Miguel @Overseas News | August 15, 2024
Magbabalik-entablado si Taylor Swift ngayong Huwebes upang ipagpatuloy ang kanyang major concert tour na may mas mahigpit na seguridad matapos ang nabigong Islamic State-inspired attack na nagdulot ng kanselasyon ng kanyang mga palabas sa Vienna noong nakaraang linggo.
Inihayag ng British police na hindi maaapektuhan ng insidente sa Vienna ang kanyang limang palabas sa Wembley Stadium, kung saan inaasahang darating ang 90,000 na Swifties bawat gabi.
Papapasukin ang mga fans sa Wembley gamit ang mga metal detector at pinapayagang magdala alamang ng isang maliit na bag. Bawal ang mga glass at metal containers, laptop, at payong.
Sinabi ng 34-anyos na si Swift, na ang pinakamalaking takot niya ay ang panganib sa kanyang mga fans lalo nu’ng nangyari ang mga pag-atake noong 2017 sa mga music events, kabilang ang pamamaril sa Las Vegas at suicide bombing sa isang concert ni Ariana Grande sa Manchester.
Samantala, inaasahan namang kikita ang kanyang 'Eras' tour ng higit sa $1 bilyon, ang kauna-unahang tour na makakamit ito, mula sa 149 na palabas sa loob ng dalawang taon.