ni Angela Fernando @Entertainment | September 12, 2024
Nagpatuloy ang pamamayagpag ni Taylor Swift sa MTV Video Music Awards, kung saan nanalo siya ng pitong parangal — kabilang ang pinakamalaking parangal, ang tropeo para sa Video of the Year.
Sa kanyang talumpati nitong Miyerkules ng gabi, nagpasalamat si Swift sa kanyang nobyo, sa pagpunta sa set ng music video na "Fortnight" at sa pagsuporta sa kanya. Sumigaw naman nang malakas ang mga fans nang banggitin niya ang NFL star na si Travis Kelce.
"Everything this man touches turns to happiness and fun and magic," pahayag ng global pop star icon. Nanalo rin sina Swift at Post Malone ng unang televised award sa VMAs para sa Best Collaboration sa kantang "Fortnight" na ibinigay sa kanila nina Flavor Flav at Olympian Jordan Chiles. Ang kabuuang parangal ni Swift ay umabot na sa 30, katumbas ng record ni Beyoncé bilang Most-Awarded Musician sa kasaysayan ng VMAs.