ni Angela Fernando - Trainee @News | March 31, 2024
Ikakasa ng Japan at United States (US) ang mas malalim na kooperasyon sa mga high-tech na teknolohiya tulad ng artificial intelligence (AI) ayon sa pahayagang Asahi Shimbun.
Ito ay magaganap sa pagkikita ng Punong Ministro na si Fumio Kishida at Pres. Joe Biden sa susunod na buwan.
Nakatakda ang pagkikita ng dalawa sa Abril 10 kung saan si Biden ang magiging host sa pagbisita ni Kishida sa U.S.
Tinawag na "global partnership" ang magiging ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa patungkol sa itinataguyod na mas malakas na kooperasyon sa AI at semiconductors ngunit walang binanggit na sources ang nasabing pahayagan.
Bilang bahagi ng kasunduan, magtatatag ang Japan at U.S. ng isang framework para sa pananaliksik at pagpapaunlad ng AI, kasama ang Nvidia, Arm, at Amazon.