top of page
Search

ni Mylene Alfonso | March 30, 2023




Tatayo bilang legal counsel ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si Sen. Francis Tolentino para kumatawan kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“I accept the proposal of Sen. Dela Rosa to lawyer for him,” ani Tolentino, chairperson ng Senate committee on justice and human rights, sa online news conference kahapon kaugnay sa hiling ni Dela Rosa, na dating chief ng Philippine National Police na nahaharap sa kasong crimes against humanity.



Nanindigan din si Tolentino na dapat dito sa Pilipinas gawin ang imbestigasyon at hindi sa Netherlands.


Kaugnay nito, hindi pa rin umano niya nakakausap si Duterte hinggil sa posibleng kinatawan ng huli sa international tribunal.


"If he wants, I’m just having my papers fixed now for my proper accreditation if that will come to that point,” aniya pa.


“My role would be to ensure the protection of Sen. Dela Rosa, not just within the confines of the ICC. Because we’re claiming that they do not have jurisdiction, but even locally,” wika pa ni Tolentino.


Matatandaang pumasa si Tolentino sa Philippine Bar Exams noong taong 1984 at New York State Bar Exams noong 1991.


 
 

ni Mylene Alfonso | March 29, 2023




Wala na umanong gagawing hakbang ang gobyerno ng Pilipinas makaraang ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Marcos, dahil sa pagkabasura ng apela ay wala nang dahilan para makisangkot pa ang Pilipinas sa ICC.


"We don't have next move. That's the extent of our involvement with the ICC. That ends our involvement with the ICC," sabi ni Marcos sa isang panayam sa Pasay City.


"The appeal has failed. In our view, there’s nothing more that we can do... At this point we are essentially disengaging from any contact, communication with the ICC," saad ng Pangulo.


Binigyang-diin ni Marcos na wala nang anumang recourse ang Pilipinas sa ICC kung saan pinananatili ang posisyon ng gobyerno na hindi ito makikipagtulungan sa international body.


"We ended up in the same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically attacks on the sovereignty of the Republic," paliwanag niya.


"So that pretty much it, we have no longer any recourse when it comes to the ICC," dagdag pa ng Pangulo.



 
 

ni BRT | March 21, 2023



Naniniwala ang mga mambabatas na posible ring isyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una nang ipinaaaresto ng ICC si Russian President Vladimir Putin dahil sa war crimes sa Ukraine.

“Hindi miyembro ng ICC ang Russia pero nagawa ng ICC na maglabas ng desisyon laban sa war crimes in Russian President Vladimir Putin. Ibig sabihin, puwedeng-pwede talaga na imbestigahan din ng ICC ang mga krimen ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit na inalis niya ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC para makatakas sa pananagutan.


Kawawa naman ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga at iba pang krimen sa ilalim ng administrasyong Rodrigo Duterte kung hindi siya maipapaharap sa anumang korte sa loob o labas ng bansa,” pahayag ni Kabataan Rep. Raoul Manuel.

Ito rin ang apela ng mga biktima at pamilya, ang imbestigahan at arestuhin si Duterte dahil sa hindi naman umano seryoso ang ginagawang imbestigasyon sa war on drugs sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page