top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 17, 2023




Gumawa ng ingay si dating Presidenteng Rodrigo Duterte nang aminin nito ang kanyang pagpondo sa nangyari noong extrajudicial killing na naganap sa Davao City.


"My intelligence funds, I used it to buy. I had all of them killed. That’s why Davao is like that. Your companions, I really had them killed. That’s the truth," saad ni Duterte sa panayam kasama si Apollo Quiboloy.


Agad na tinanggal ng SMNI Network ang video ng nasabing interview.


Hinihingi naman ng partido ng Magdalo sa pangunguna ni Antonio Trillanes IV ang suporta ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na hayaang matuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban sa mga nangyaring pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.


Ayon pa sa bagong post ni Trillanes IV sa kanyang opisyal na FB page, nabigyan na raw ng pansin ng ICC ang video at ramdam niyang makakamit na ang hustisya.







 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 20, 2023




Nanindigan si Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Partylist Rep. Erwin Tulfo na dapat unahing resolbahin ng International Criminal Court (ICC) ang kuwestyunableng hurisdiksyon nito.


Ito ang reaksyon ng mambabatas matapos ang pagbasura ng Appeals Chamber ng ICC kaugnay sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na kalimutan na ang pag-iimbestiga sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.


"Sagutin muna nila kasi wala na tayo sa kanila, may karapatan pa ba sila? Hindi pa nila sinagot 'yung jurisdiction. Ang iniimbestigahan lang naman eh, member, eh umalis na tayo, hindi na tayo member. 'Yun ang punto ng apela 'wag n'yo na kami imbestigahan kasi 'di na kami member. Kaso binasura nila, tuluy-tuloy pa. Bakit ang ibang bansang 'di member, 'di nila pinapakialaman? Sagutin muna nila 'yun," ani Tulfo sa ginanap na pulong balitaan ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Maynila kahapon.


Kitang-kita umano na ang target ng ICC ay sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.


Dagdag pa niya, isang panghihimasok at insulto sa gobyerno ng Pilipinas ang isinusulong na imbestigasyon.


 
 

ni Madel Moratillo @News | July 19, 2023




Tuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte administration.


Ito ay matapos ibasura ng Appeals Chamber ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na kumukontra sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa drug war ng nakaraang administrasyon.


Mayorya ng mahistrado ang pabor na imbestigahan ang war on drugs, dalawa naman ang tutol, kasama ang presiding judge ng ICC Appeals Chamber na si Marc Perrin De Brimchambaut.


Hindi tinanggap ng chamber ang argumento ng Pilipinas na nagkamali ang ICC dahil wala nang hurisdiksyon dito ang International Court mula nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute.


Nagkamali rin umano ang Pilipinas nang hindi nito inilatag nang maayos at natalakay nang sapat ang isyu sa Pre-Trial Chamber. Kasama rin sa ibinasura ng chamber ang argumento ng Pilipinas na nagkaroon din ito ng mga imbestigasyon at prosekusyon sa Pilipinas laban sa mga sangkot sa war on drugs.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page