top of page
Search

ni Angela Fernando @News | August 15, 2024



Showbiz news
Photo: dating Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio

Binigyang-diin ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio kamakailan na umabot na sa isang mahalagang yugto ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa brutal na kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“I think the day of reckoning is coming closer because what I’m hearing is that a warrant of arrest will be issued by the ICC sometime in September,” saad ni Carpio sa isang panayam.


Samantala, walang ibinigay na detalye ang dating Supreme Court Justice kung saan o sino ang mga sources niya sa ibinulgar na impormasyon.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 29, 2023




Nagpahayag si Solicitor General Menardo Guevarra nitong Miyerkules na si Pangulo Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang may huling pasya kung makikipagtulungan ang 'Pinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa kampanya laban sa droga sa panahon ng administrasyong Duterte.


Saad ni Guevarra sa deliberasyon, ang magiging pasya ay nakadepende pa rin sa presidente kahit na may mga resolusyong nanghihimok na makipagtulungan ang bansa sa ICC.


Aniya, "We have no legal duty to cooperate."


Sa kabilang banda, nilinaw niya na ang salita ng Pangulo hinggil sa kooperasyon sa ICC ay pulitikal.


Matatandaang tinanggihan ng ICC Appeals Chamber nu'ng Hulyo ang apela ng pamahalaan ng bansa na itigil ang imbestigasyon sa kampanya kontra droga.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 24, 2023




Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Biyernes na kahit kasalukuyan pang sumasailalim sa pag-aaral ang pagpapapasok ng 'Pinas sa International Criminal Court (ICC) para sa pagsisiyasat sa kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyong Duterte, ay ay may problema na agad ito.


"There is also a question, should we return under the fold of the ICC? So, that's again under study," dagdag niya.


Ayon sa Presidente, titignan pa nila ang mga posibilidad upang malaman kung ano ang mga hakbangin at opsiyon na puwedeng gawin.


Ito ay matapos maghain ng resolusyon kamakailan si Manila Representative Bienvenido "Benny" Abante Jr. sa administrasyong Marcos na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.


Parehas na resolusyon ang pinasa nina Makabayan bloc lawmakers France Castro ng ACT Teachers party-list, Arlene Brosas ng Gabriela party-list, at Raoul Manuel ng Kabataan party-list nu'ng Oktubre.


Nakasaad sa resolusyon na bagamat nag-withdraw na ang pamahalaan ng bansa sa ICC, nananatili ang Korte Suprema ng 'Pinas sa pagkilala sa hurisdiksyon ng ICC sa mga krimeng umaapak sa karapatang pantao na nangyari sa pamumuno ni Rodrigo Duterte.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page