top of page
Search

ni Marish Rivera @News | Apr. 26, 2025



File Photo: Bato sa ICC - Sen. Bato Dela Rosa / ICC / FB


Handa umano si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na humarap sa The Hague, Netherlands sakaling mag-issue ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa pagpapatupad ng madugong war on drugs noong Duterte Administration, kinumipirma niya ito sa grand rally ng PDP Laban sa Iloilo City nitong Biyernes, April 25.


“Anong magagawa ko kung ayan ang kapalaran ko? Basta ang importante, nagawa ko ang dapat gawin habang ako ay buhay dito sa mundo. Ginawa ko ‘yung war on drugs, ginawa namin ang lahat,” saad ni Bato.


Dagdag pa niya, handa siyang pumunta anytime, “Ang buhay ko’y nakataya na, naka-kasa na. Anytime, pwede akong mamalasin dahil sa aking adbokasiya na ito. Pero never si Bato aatras sa laban na ito, I tell you.”


 
 

ni Angela Fernando @News | Dec. 6, 2024



File Photo: ICC - AP Phot / -Peter Dejong - PH Gov, SOI, circulated


Nanawagan ang isang mambabatas mula sa House QuadComm, na nagsisiyasat sa mga insidente ng pagkamatay kaugnay ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte, na muling sumali ang 'Pinas sa International Criminal Court (ICC).


Ito ay kasunod ng panawagan ng European Union na muling pag-isipan ng gobyerno ng bansa ang naging desisyon nitong kumalas sa ICC.


"There must be a court of last resort - which will complement domestic courts - that will investigate and, where warranted, try individuals charged with the gravest crimes of concern to the international community, namely: genocide; war crimes; crimes against humanity; and the crime of aggression," saad ni Batangas Congresswoman Gerville Luistro.


Binanggit din ni Luistro na ang mga prinsipyo ng ICC ay umaayon sa 1987 Constitution ng 'Pinas. Dahil dito, binigyang-diin niyang ang pagtalikod ng bansa sa ICC ay nagdudulot ng negatibong impresyon sa pandaigdigang komunidad at maaaring makasira sa reputasyon ng bansa sa usapin ng hustisya at karapatang pantao.

 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 22, 2024



Photo: Leila De Lima at Rodrigo Duterte - FB

 

Nagpahayag si dating Senadora at Justice Sec. Leila de Lima nitong Martes na hindi mapipigilan ng pamahalaan ng 'Pinas ang International Criminal Court (ICC) sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal kaugnay ng war on drugs.


Ayon kay De Lima, ang nasabing mga krimen ay may kaparusahan sa ilalim ng batas ng bansa. Tinukoy niya ang Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, na nagpaparusa sa mga krimen laban sa mga indibidwal tulad ng: sadyang pagpatay, extermination, enslavement, arbitrary deportation, pagkakulong o iba pang malubhang paglabag sa kalayaan na umaapak sa mga batayang patakaran ng batas pang-internasyonal at pagpapahirap o torture.


Kasama rin sa mga krimen laban sa mamamayan ang iba pang hindi makataong gawain na may katulad na katangian, o sadyang nagdudulot ng matinding pagdurusa at malubhang pinsala sa katawan, isipan, kalusugan, at iba pa. “Hindi natin [puwedeng] pigilan ang ICC [na mag-imbestiga].


Du'n sila nakatutok [du'n] sa may greatest responsibility,” saad ni de Lima sa mga mambabatas sa imbestigasyon ng House QuadComm kadikit ng war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte. Matatandaang iniimbestigahan na si Duterte at iba pang matataas na opisyal sa kanyang administrasyon ng ICC kaugnay ng mga nasabing krimen kadikit ng marahas na pagpatay sa mga nakaladkad sa isyu ng droga.


Ayon sa mga record ng pulisya, umabot sa humigit-kumulang 6K ang mga namatay, ngunit iginiit ng mga human rights groups na umabot ito sa 30K, kasama na ang mga biktima ng pamamaslang ng mga ‘vigilante,’ na bunga ng polisiya ni Duterte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page