ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 16, 2024
Photo: Sofronio Vasquez - IG
Hahaha! May pagka-Marites din itong si The Voice USA 26th Season Grand Champion Sofronio Vasquez.
Sa pinag-uusapan kasing TikTok o vlog entry nito after winning The Voice (TV), naitsika nitong kaya raw pala malapit at may very special part sa puso ng sikat na si Michael Bublé ang Pilipinas ay dahil sa kumpare ito ni Martin Nievera.
At ‘yun na nga, sometime in the past pala ay nai-date o naireto rito ang isang dyosa na kilalang-kilala raw ng lahat.
Marami agad ang nagsabing si Kristine Hermosa raw ito dahil minsan na nga itong naging laman ng balita noon. May mga humirit namang si Regine Velasquez daw ‘yun, at may nagsabi pang si Anne Curtis, though may mga iba pang names na lumabas. Hahaha!
Well, for sure alam din ito ng isa pang Marites na si Mega Sharon Cuneta dahil naka-duet na niya si Michael at dahil same circle of friends lang naman sila ni Martin, malamang na may inireto rin si Mega. Hahaha!
Wala lang, nakakaaliw lang na malaman this time na kahit noon pa pala ay pusong Pinoy na ang sikat na sikat na balladeer at pop icon.
Oooppss, may mga grupo nang naghahanda sa pag-uwi ni Sofronio sa bansa. Deserve raw nito ang isang hero's welcome. Ang tanong, pansinin kaya niya ang Malacañang invite dahil isa siyang lantad at kilalang kakam-pink (sumusuporta sa adbokasiya ni Leni Robredo)?
From their Cebu City mediacon event, saglit lang na bumalik sa Manila ang tropa ng Uninvited bago ito muling lumipad papunta sa Davao noong weekend.
As expected, very warm welcome ang ibinigay ng mga taga-Mindanao sa Uninvited cast and production people, led by no less than the Star for All Seasons herself Ate Vi, Vilma Santos.
Ang saya-saya pa ng tropa dahil hindi pilit ang mga pagsayaw at pagkanta nila, na sinasabayan ng mga Bisaya at mga taong dumagsa sa mga venues ng event.
Nakita naming bongga ang bonding moment nina Ate Vi at Nadine Lustre na game na game sa pag-indak sa mga viral TikTok dance craze.
Si kapatid na Pipo (Tirso Cruz III) ay wapakels na kumanta ng mga pambato niyang awit, habang si Aga Muhlach naman ay kumembot lang nang konti, naghihiyawan na ang mga tao.
Si Mylene Dizon ay laban na laban din sa pagsigaw kahit sinasabi ng maraming komento na mala-kontrabida pa rin ang boses nito. Hahaha!
Si RK Bagatsing naman ay idinaan na lang sa paghalakhak ang tila hindi niya makuhang dance steps na kinagiliwan ng mga tao.
Ultimo si Direk Dan Villegas ay hindi nakaligtas sa mga dance and singing challenges.
Sino’ng magsasabing at 71 years old ay super graceful pa ring sumayaw si Ate Vi at bongga pa ang energy nitong bumirit ng kanta? Hahaha!
Sadyang kakaiba nga ang MMFF 2024 para sa mga artistang may entry - family bonding, good friendship, camaraderie and of course, ‘yung advocacy ngang pasiglahin ang mga sinehan, ang mga layunin at nagagawa ng promo campaigns nila.
‘Yun na!
GUSTO lang naming personal na magpasalamat sa La Visual Corp, ang naghatid ng 2nd Southeast Asian Premier Business and Achievers Awards. Kinilala po ang inyong lingkod bilang Premier Multi-Media Publicist of the Year noong nakaraang December 8 awards night nila na ginanap sa Winford Hotel sa Manila.
Kasabayan ko pong tumanggap ng award sa hanay ng entertainment sina Kim Chiu (Premier Actress), Vhong Navarro at Jhong Hilario (Male TV Hosts), Mc and Lassy (Comic Duo), Gretchen Fullido (Female TV Host), Miles Ocampo (Female TV Host), Andrew de Real (Comedy Bar Master), ang mag-asawang Dr. Jay and Dra. Sheila Recasata ng Faces and Curves, Marc Logan,
Michael Pangilinan, Daryll Ong, Bugoy Drilon, Jona at Marian Rivera (Best Actress), Paulo Avelino at iba pang mga taga-TV at radio.
Malaking karangalan po ito para sa inyong lingkod na patuloy na pinagtitiwalaan ng mga nasa hanay ng multi-media at mga organisasyong sakop ng showbiz, sports and lifestyle.
Mabuhay po tayong lahat at sa mga Ka-Bulgar family po, para sa atin po ang tagumpay!