top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 9, 2021



Dumating na kagabi sa Villamor Air Base ang 1,124,100 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa Japan.


Si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang Japanese embassy officials, National Task Force (NTF) Against COVID-19, at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) executives ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna.


Pinasalamatan ni P-Duterte ang Japan at aniya, “Japan continues to be our strong partner in various development programs, our cooperation in fighting the pandemic is truly an indication of the deep friendship between our two countries.


“Let me assure everyone that throughout our vaccination rollout, we will prioritize the safety and quality of all vaccines that we are distributing across the country.”


Nanawagan din ang pangulo sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 at patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols.


Saad ng pangulo, “I, therefore, urge everyone to get vaccinated and help prevent the further spread of the virus. We should all continue to follow safety rules and health protocols even when fully vaccinated.”


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Pinag-iisipan ng gobyerno na magbigay ng mas maraming insentibo sa mga indibidwal na nabakunahan na laban sa COVID-19, ayon sa isang opisyal.


Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magkaroon ng mga incentives para mahikayat ang mas maraming indibidwal na magpabakuna.


“'Yung doon sa mga nabakunahan, probably they might have certain incentives also that the IATF will be discussing,” ani Lopez sa briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. ngayong Lunes.


Ilan sa posibleng ibigay nilang incentives ay payagan ang mga nabakunahan na lumabas na ng kanilang tirahan at mabigyan naman ng mas maikling quarantine period para sa mga travelers.


Matatandaang nito lamang buwan, ipinatupad na ng pamahalaan ang mas maikling quarantine period para sa fully vaccinated na inbound travelers sa bansa, na 7 araw na lamang mula sa dating 14 na araw.


“Similar moves will be undertaken, will be studied, para naman may benepisyo du’n sa mga nagpabakuna and which is we have been assuring also the public,” saad ni Lopez.


“Ang talagang benepisyo ru’n sa mga nagpabakuna ay siguradong hindi kayo mamamatay (sa COVID-19), ‘yun ang pinaka-safe at pinakamagaling na benepisyo sa inyo,” dagdag ng kalihim.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page