top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 22, 2023




Nagsalita na si Bianca Manalo hinggil sa umano’y texting scandal kasama ang kanyang dating co-star na si Rob Gomez.


Nabalitaang nadawit ang beauty queen at aktres sa iniulat na leaked screenshots ng kanilang pribadong usapan.


"Let me clear all the false rumors circulating on the internet," panimula niya sa kanyang pahayag na ipinost ngayong Biyernes, Disyembre 22.


"Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport," paglilinaw niya.


Sinabi rin ni Bianca na may bahagi ng mga pag-uusap ang na-delete.


“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.”


Bukod dito, ibinahagi ng aktres at dating beauty queen kung paano siya naapektuhan ng kontrobersiya.


“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones. Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family.”


“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone,” dagdag niya.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 17, 2023




Inihayag na ng aktres, modelo, at host na si Lou Yanong sa kanyang X account nitong Linggo, Oktubre 15, ang isang makahulugang post matapos siyang i-link sa aktor na si Markus Paterson.


“Get off my business we’re just friends 💀💀💀” saad ni Lou sa kanyang social media post.


Bago ito, sa isang Instagram post noong Sabado, nakaagaw-pansin ang aktor na si Markus Paterson matapos i-upload sa kanyang account ang mga bagong larawan niya kasama si Lou Yanong.


Sa mga larawan, makikita si Markus na may suot na all-black na porma habang si Lou naman ay may suot na magandang backless gown para sa ABS-CBN Ball na pareho nilang dinaluhan.


Nilagyan ni Markus ng maikli pero nakakatuwang caption ang kanyang online post na may kasamang larawan ni Lou, "Contrast cuteness. shot by @mikehellyah."


Umani ng magkakaibang tugon at reaksiyon mula sa mga netizens ang naturang larawan dahil may anak si Markus sa aktres na si Janella Salvador. Noong taong 2021, ipinahayag pa ng aktres ang kanyang pasasalamat sa pagiging "hands-on father" ni Markus.


May mga nag-umpisang mag-speculate kung sina Lou at Markus na ba, kaya heto na ang paglilinaw ni Lou.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021



Nakaranas ng massive outages ang pangunahing social media platform na Facebook.


Naapektuhan din nito ang mga Facebook-owned services tulad ng Instagram at WhatsApp simula nitong gabi ng Oktubre 4.


Matapos ang anim na oras ay unti-unti na rin itong nagbabalik online bagama’t may paunti-unti pa ring pagbagal.


“We're aware that some people are having trouble accessing our apps and products," sabi ng Facebook sa Twitter. "We're working to get things back to normal as quickly as possible, and we apologize for any inconvenience."


Base sa outage tracker na Downdetector, nakatanggap sila ng mga report hinggil sa mga social media platforms na hindi ma-access mula sa iba’t ibang panig ng mundo.


Ang Facebook ay hindi naglo-load ng kahit anong content habang ang Instagram at WhatsApp ay accessible pero hindi rin naglo-load ng content at hindi makapag-send ng messages.


Hindi agad natukoy ang pinagmulan ng outage ngunit ayon sa ilang security experts, ito ay maaaring nagmula sa Domain Name System (DNS) problem.


Itina-translate ng DNS ang website names sa IP addresses na binabasa ng mga computer. Ito rin ay tinatawag na "phonebook of the internet."


Ayon pa sa tweet ng Facebook, “To the huge community of people and businesses around the world who depend on us: we're sorry.” "We've been working hard to restore access to our apps and services and are happy to report they are coming back online now. Thank you for bearing with us."


Dahil dito maraming mga netizens ang nagparating ng kanilang karanasan sa Facebook sa pamamagitan ng microblogging site na Twitter.


Nag-trend sa Twitter ang #Facebook Down ilang minuto mula nang magsimulang hindi na ma-access ang nasabing social media sites.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page