ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021
Natagpuan na ang nawalang Indonesian submarine sa seabed ng Bali kung saan kumpirmadong patay ang 53 crew nito.
Ayon sa awtoridad, noong Linggo nang umaga ay nakatanggap sila ng signal ng kinaroroonan ng naturang submarine na 800 meters (2,600 feet) ang lalim.
Gumamit ng underwater submarine rescue vehicle upang matagpuan ang KRI Nanggala 402.
Pahayag ni Navy Chief of Staff Yudo Margono, "There were parts of KRI Nanggala 402—it was broken into three pieces."
Noong Miyerkules unang naiulat na bigla na lang nawalan ng contact sa naturang submarine habang nagsasagawa ng training exercises at kaagad na nagpadala ang awtoridad ng mga warships, eroplano at military personnel upang mahanap ito.
Habang nagsasagawa ng search and rescue operations, nadiskubre ang oil spill at pinaniniwalaang nagkaroon ng fuel-tank damage.
Noong Linggo, iniulat ni Indonesian Military Head Hadi Tjahjanto na wala nang pag-asang matagpuang buhay ang mga crew nito.
Aniya pa, "With deep sadness, I can say that all 53 personnel onboard have passed."
Nagpahayag naman si Indonesian President Joko Widodo ng pakikiramay sa mga naulila ng mga pumanaw na submarine crew.
Aniya pa, “The army and navy have changed the status of the KRI Nanggala 402 submarine from having lost contact to being ‘sub-sunk’ or drowned.
“All of us Indonesians express our deep sorrow over this tragedy, especially to the families of the submarine crew.”
Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan ng insidente.