top of page
Search

ni Lolet Abania | May 30, 2021




Isang 43-anyos na lalaking pasahero ang hinahanap ng search-and-rescue teams matapos masagip ang iba pang sakay ng isang malaking ferry nang ito ay magliyab sa Indonesia kagabi.


Ang ferry na KM Karya Indah ay patungo ng Sanana, isang malayong pantalan sa bahagi ng hilagang-silangan sa Indonesia, nang bigla na lang mag-apoy.


Ilang minuto pa lang itong nakakaalis mula sa pantalan, sumiklab ang ferry habang ang mga pasaherong sakay nito ay nagtalunan sa dagat para makaligtas sa sunog.


Wala namang naitalang nasawi sa insidente. “There were 275 people on board, 274 had been evacuated safely," ani Muhammad Arafah, ang head ng local search-and-rescue team, sa Kompas TV, isang news network sa lugar ngayong Linggo.


“One person, a 43-year-old man, is still being searched for,” dagdag ni Arafah, kung saan tinatayang 35 sa mga pasahero ay mga bata.


Maraming rescuers ang patuloy na naglilibot sa lugar para hanapin ang pasaherong nawawala. Sa inilabas na mga larawan ng search-and-rescue agency, kitang-kita na ang malaking ferry boat ay nabalot ng makapal at napakaitim na usok, habang nasagip naman ang mga pasahero na nakasuot ng life jackets na nakasakay na sa balsa.


Mahigit isang dosenang crew members naman ang nakadetine at sinisiyasat ng mga local police upang alamin sa mga ito ang naging dahilan ng sunog.


Karaniwan na ang mga aksidente sa karagatan ng Indonesia dahil sa mahinang safety standards na kanilang ipinatutupad. Gayunman, ang mga passenger ferries ang madalas na gamiting transportasyon ng mga residente dahil sa isang arkipelago na may 17,000 islands ang nasabing bansa.


 
 

ni Lolet Abania | May 16, 2021




Tinatayang pitong Indonesian ang nalunod matapos na tumaob ang overloaded umanong bangka habang sinusubukan ng mga turistang mag-selfie na patungo sa Java island, ayon sa mga awtoridad ngayong Linggo.


Ayon kay Central Java police chief Ahmad Lutfi, nangyari ang insidente makaraang ang 20 pasahero ay naisipang pumuwesto sa isang bahagi ng bangka para kumuha ng isang group photo kung saan sila ay nasa lugar na ng Boyolali Regency.


“The cause of the accident was overcapacity,” ani Lutfi sa mga reporters. “The 20 people took a selfie on the right side then the boat lost balance and flipped,” dagdag niya.


Sa ulat ng pulisya, 11 indibidwal ang nasagip subalit patay na nang matagpuan ang pito. Patuloy naman ang paghahanap ng mga rescuers sa dalawa pang nawawala sa tumaob na bangka.


Inaalam na rin ng mga awtoridad kung may nangyaring kapabayaan mula sa namamahala ng boat rides sa naturang lugar. Sinabi pa ni Lutfi na isang 13-anyos ang timon ng bangka.


Ayon sa report, karaniwan na ang boat accidents sa Indonesia na isang arkipelago sa Southeast Asia na mayroong 17,000 isla, at dahil din sa kakulangan sa ipinatutupad na safety standards.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 11, 2021



Patay ang 7 katao at isa ang nawawala dahil sa landslide sa Indonesian gold mine ngayong Martes, ayon sa awtoridad.


Dahil sa walang tigil na pag-ulan, gumuho ang lupa sa South Solok regency, West Sumatra na may kasamang putik at mga bato, ayon kay Local Emergency Department Head Fikri.


Aniya, nasagip ang 9 na katao na kaagad isinugod sa ospital at patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation sa isang miner na nawawala.


Pahayag pa ni Fikri, “Initially, rescuers were having difficulties to evacuate victims to a rescue vehicle because the terrain at the site was challenging.”


Samantala, madalas nakararanas ang Indonesia ng matinding landslides at flash floods tuwing tag-ulan dahil sa deforestation, ayon sa mga environmentalists.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page