ni Lolet Abania | February 25, 2022
Nasa tinatayang dalawang indibidwal ang nasawi at 20 ang nasugatan matapos ang 6.2-magnitude na lindol na tumama sa Sumatra island sa Indonesia ngayong Biyernes, habang ang mga residente ay humanap na ng ligtas na lugar kasabay ng pagguho ng mga gusali sa paligid.
Naganap ang lindol ilang minuto lamang matapos ang hindi gaanong malakas na pagyanig habang ang mga residente ay nagsimula na ring magsilikas sa kanilang tirahan.
“We all fled our home (after the first quake),” pahayag ni Yudi Prama Agustino, 36, sa AFP. “I have a 1-year-old baby, so in panic I pushed the stroller out of the house.”
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang lindol ay naitala sa hilagang bahagi ng isla na may lalim na 12 kilometers (7.5 miles), nasa 70 kilometers mula sa bayan ng Bukittinggi sa West Sumatra province.
Ang Agam district na hometown ni Agustino ay isa pang 40 kilometers ang layo mula sa Bukittinggi.
“I noticed there was an earthquake because my kids’ toys fell over. I panicked because there were also my in-laws in the house and they are quite old and sick,” sabi ni Agustino sa unang tremor na nai-record na 5.0 magnitude ng USGS.
“Once we were outside a much stronger 6.2 quake happened and everybody panicked,” dagdag pa nito.
Ayon sa head ng National Disaster Mitigation Agency (BNPB) na si Suharyanto, dalawa katao ang nasawi habang 20 ang nasugatan sa West Pasaman, na nasa tinatayang 17 kilometers mula sa epicenter ng lindol.
Nagbabala naman ang meteorological agency BMKG ng Indonesia sa publiko na lumayo na mula sa mga slopes o lowland dahil sa panganib ng landslides sa gitna rin ng rainy season sa lugar.
Naramdaman din ang lindol sa kalapit na mga probinsiyang Riau at North Sumatra, at sa kalayuang Malaysia at Singapore.
Wala namang inisyung tsunami warning matapos ang lindol.