ni J. Sanchez | April 26, 2023
Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Sumatra Island sa Indonesia, kahapon nang alas-3:00 ng madaling-araw.
Dalawang oras matapos ang lindol, naglabas ng tsunami warning, na dahilan upang lumikas ang mga residente.
Ayon sa United States Geological Survey, ang epicenter ng lindol na naganap ay nasa dagat na malapit sa Mentawai islands.
Bagama’t, walang naitalang casualty, may ilang aftershocks na naranasan.
Samantala, madalas na nakakaranas ng paglindol ang Indonesia dahil ito ay nasa Pacific Ring of Fire, na seismically active zone kung saan iba’t ibang plates ng mga crust ng mundo ang nagsasalubong.