ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 24, 2021
Pumanaw na ang Filipino seafarer na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang seafarer ay residente ng Parañaque City at namatay sa ospital sa Manila.
Sa siyam na MV Athens crew members na nagpositibo sa B.1.617 variant, 4 ang na-confine sa ospital habang nakarekober naman ang iba pa.
Ayon kay Vergeire, “‘Yung sa apat na na-confine, isa ay namatay last week. I think that was Friday. Tatlo ay naka-recover at maayos na ang kanilang estado.”
Samantala, bukod sa mga crew ng MV Athens, 3 pang overseas Filipino workers ang nagpositibo sa Indian variant na naka-recover, ayon kay Vergeire.