ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 20, 2024
NEW DELHI - Dadalhin at papatawan ng parusa sa India ang 35 pirata mula sa Somalia na umatake at kumuha ng kontrol sa kanilang barko sa Somalia.
Inaasahang darating sa India sa Sabado ang mga nahuling pirata at isusuplong sa mga ahensya ng batas, ayon sa isang opisyal na tumangging magbigay ng pagkakakilanlan.
Hindi rin agad nilinaw ang mga paratang at parusang ipapataw laban sa mga pirata, dagdag pa niya.
Noong nakaraang Sabado, nakagawa ng paraan ang mga navy commandos ng India na mabawi ang commercial ship na may bandilang Malta, ang MV Ruen. Sinakop ng mga pirata mula sa Somalia ang barko noong Disyembre 14, na may layong 450 nautical miles sa silangan ng Socotra sa hilaga ng Arabian Sea.
Ito ang unang pag-atake at pag-hijack ng mga Somali na pirata sa isang barkong pangkalakal mula noong 2017. Sa pinakamataas na bilang ng kanilang mga pag-atake noong 2011, tinatayang nagkakahalaga ng $7 bilyon ang pinsalang idinulot ng mga pirata mula sa Somalia sa pandaigdigang ekonomiya, kasama ang daan-daang milyong dolyar na ransom.