top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Dec. 16, 2024



Photo: Sen. Imee Marcos at Pangulong Bongbong Marcos - FB


Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magsagawa ng masusing pagsusuri sa panukalang pambansang badyet para sa 2025 na inaprubahan ng Kongreso.


Ayon kay Sen. Marcos, may ilang probisyon sa pinal na bersyon ng General Appropriations Bill (GAB) para sa 2025 na kailangang linawin, kabilang na ang kontrobersyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP, ang kawalan ng suporta para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at ang pagtaas ng badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa P1.1-trilyon.


"Ang akin na lang ngayon, nananawagan na lang ako sa aking kapatid. Kung mahina ang boses ko na mag-isa, ngayon nawa marinig na sama-samang sumama ang ating taumbayan...I-line by line niya.


Nasa kanya na lamang pag-asa na hindi tanggalin 'yung mahahalaga," saad ni Sen. Imee.


Inihayag ni Senadora Imee Marcos na hindi niya nilagdaan ang bicameral conference committee report na naglalaman ng pinal na bersyon ng pambansang badyet para sa 2025.


Ikinadismaya rin ni Marcos ang pagbabawas ng pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), habang bilyon naman ang inilaan para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).


Ang AKAP ay bagong programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong tulungan ang mga "near-poor" na sambahayan.

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 26, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Alam n’yo ba ang 2025 General Appropriations Bill, mga sis? Aba, hindi ito forda eme! Sabi ko nga, hindi lang ‘to tungkol sa mga numero at sangkatutak na paperwork. Haller, ito kaya ang guide sa kinabukasan ng bawat Pinoy.Eto na nga, sinulatan ko sina Senate President Chiz Escudero at Finance Chair Grace Poe. Sabi ko, “Mga teh, ang budget na ‘to hindi puwedeng parang secret recipe ng KFC — kailangan alam ng lahat ang ingredients!” True da fire, ‘di ba?Ang peg natin? One for all, all for one! Isama ang lahat ng vice-chairpersons ng Sub-Committee on Finance ng Senate at Congress sa Bicam.


Dapat present silang lahat! 


At please, walang biglaang pagbabago sa badyet na parang may surprise twist sa teleserye! Ano ‘to, AKAP Season 2? Kaloka!


Ang P6.532 trilyon para sa 2025, mga sis, soafer big! Kaya naman, bago mag-Bicam, dapat may maagang chika sa pagitan ng Senado at Kamara. Para walang misunderstanding o worse, hanash na hindi natin afford!


Kaya ako todo-effort dito kasi hindi puwedeng masayang ang budget sa ka-emehan. Gusto ko lahat clear, nakatala, at accountable. Kung may chika, ilabas na para wala nang intriga! I-spill agad-agad! Now na, ganern!


Kaya naman, sa mga mars kong mambabatas, tara na! Let’s make this budget process bongga, transparent, at maayos. Dahil at the end of the day, ang taumbayan ang star ng show na ‘to!


Ito ay para sa tama dahil dasurv ito ng bawat Pilipino! Agree?


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 22, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga kababayan, huwag magpahuli dahil may malaking kaganapan sa international stage na tiyak makakaapekto sa atin. Ito na nga ang greatest comeback ni Donald Trump sa White House.


At isa sa mga pangunahing target ni Trump ay ang mahigit 220,000 undocumented Pinoy sa Amerika. Kaya’t huwag nating ma-forget ang mga sismars nating TNT na nanganganib ma-deport at umuwi nang luhaan. 


Hindi pa naman sapat ang budget ng DFA para rito, parang ‘di natin keri! Need ng at least P12.4B mga besh. Anoney? Kailangang maghanda ng bongga mga teh-NT!


Dapat gurl, now na ang pag-push ng mga bonggang reintegration programs, skills training, livelihood support, at direct cash para sa inyo! Siyempre, katuwang ang DSWD, DOLE, at DFA para mas keri ang lahat ng ito. No time for etchos, let’s make it happen, mga besh!


Hindi lang ang mga hanash n’yo sa trabaho ang at risk, kundi pati na rin ang inyong mga bebebels, jowabels, at dreams na ilang taon ninyong pinaghirapan! OMG talaga!


Pero keribels lang mga mars, huwag ma-shokot kahit nakaka-shook naman talaga ‘yang balita na ‘yan! Kalma lang dahil hindi ko kayo hahayaang mag-isa. Expect na itotodo natin ang kuda at ganap para sa inyo sa gitna ng eksenang ‘to!


Bear in mind, mga kababayan, ang fight na itiz ay malayo pa sa finish line! Teamwork talaga at push lang sa mga susunod na challenge!


Pilipino tayo, dasurv nating maging safe at ready saan man sa mundo! Agree?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page