top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 27, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mare, nakakaloka! Habang ang mga tao’y nagkukumahog magbayad ng PhilHealth premium, ang gobyerno? TADAAAA!


Zero subsidy na! Aba, ang PhilHealth trust fund, parang sinadyang salakayin! Pinaparusahan daw ang mga namamahala dahil hindi nila inuubos ang budget! Kaloka sila!


Paano na ang mga pasyenteng umaasa sa tulong mula sa PhilHealth? Sorry na lang ba, mga teh?


This 2025 — ZERO subsidy ang PhilHealth, kaya naman tinatanong ko — TAMA BA ‘TO?


Paano na ang Universal Health Care na dapat priority? Tapos ang gobyerno kebs lang? Anoney???


Lahat nang ito para lang madagdagan ang MAIP o Medical Assistance for Indigent Program ng Kongreso mula sa Php26B, ngayon Php72B na! Mga charotera sila! Kailangan mo pa tuloy pumila at magpalakas sa mga pulitiko para mabigyan ng ayuda. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga ganap mga beshie!


Kaya’t ‘yang budget ngayong taon, dapat talagang tutukan nang bonggang-bongga! Dahil dasurv natin ang mas maayos na healthcare system para sa lahat! Agree?

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 17, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Bagong taon, bagong aksyon! Eto na ang matinding real talk! Ang RA 7277 o Magna Carta for Persons with Disabilities, parang overdue na sa update, ‘di ba? Kaya ngayong 2025, sagot ko na ’to para sa ating mga PWD!


Sabi ko nga, “Oo, may benepisyo, pero para kanino?” Paano na ‘yung mga kababayan nating halos wala nang pambili ng ulam? Kaya naman, ipaglalaban ko ‘to, mga besh! Let’s make it inclusive — lahat dapat may share sa biyaya ng buwis!


Mabubutas talaga ang bulsa natin sa presyo ng wheelchair, therapy at mga gamot ng ating mga PWD! Ang bet ko? P500 monthly allowance para sa mga may matinding kapansanan. Push ‘di ba?


Maliit na halaga lang, pang-basic needs -- pandagdag bigas, gamot, o kahit pamasahe papuntang doktor! Sa hirap ng buhay ngayon, every peso counts! ‘Yang P500 na ‘yan winner na!


Hindi ito Mission Impossible kasi nagawa nga natin noon sa New Centenarians Act na super tagal bago naipasa. Kaya’t kapit mga besh, dahil magagawan natin ito ng paraan! IMEEsolusyon sa lahat ng bagay!


Nasa 600,000 lang ang bilang ng severely challenged PWDs natin. Give na natin ‘yang P500 monthly allowance para sa kanila! Serious talk, tama na ang mga paandar lang at puro talk. Time to be practical and fair!


Ako na mismo magbibigay ng dalawang “E” sa IMEE para sa ating mga kafatid na PWD. Ang aking dalawang “E” to ENABLE + EMPOWER. From PWD to PUWEDE -- puwedeng-puwede!


Push natin ang inclusive at patas na bayan para sa lahat ngayong 2025! Agree?

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 10, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, 2025 na. New chapter, new me, new everything, at siyempre, new goals na dapat ma-achieve. Kaya naman, eto na ang ilan sa New Year’s resolutions para sa 2025 na swak sa energy nating mahilig magpabongga sa buhay. Ready na ba kayo? Gow na tayo!


1.⁠ ⁠Exercise, Prioritize Your Health – Mga beshie, walang forever sa fast food! Life gets shorter lang! Gumalaw-galaw na, kahit mag-TikTok dance challenge lang. ‘Pag tumataba na ang fez, ibang usapan na ‘yan ha. Move it or lose it! Tara, mag-Zumba tayo!


2.⁠ ⁠Support Local – Iwas imported, go Pinoy na, mga dzai! Mas masarap, mas affordable, at bonggang support pa sa mga kapwa natin. Uy, bumili na ng kakanin sa suking mamshie o mag-shopping ng local handmade realness. Charotera ka pa ba? Manood ka na rin ng indie films, makinig ng OPM, at mag-promote ng sariling atin. Pak na pak ang talentong Pinoy! Kailangang proud tayo at hindi kinakahiya ang atin. Support-support din, beshie!


3.⁠ ⁠Join a Cause, Lalo na Para sa Kabataan – Mga sis, 2025 is the year na tutulong tayo sa community! Ano mang grupong bet mong salihan para may ambag tayo sa next-gen, let’s do this! Push natin ang aking YFC at YC2 program para sa mga bagets sa agri at creative industries! Wagi na, impactful pa!


4.⁠ ⁠Sumali sa Community Efforts – May feeding program, clean-up drive, o tree planting ba malapit sa inyo? Gow na at mag-volunteer. Help others ang peg! Hindi lang para sa sarili, kundi para sa kinabukasan ng lahat!


5.⁠ ⁠More Friends and Family Time – Uy, mag-set na ng bonding with your tropa at fam. Kahit simpleng chikahan over pancit canton, solb na! Pakitaan ng love-love, kasi sila ang life support natin sa anumang drama ng buhay. Beshie, expand your social life! Kahit pa certified introvert ka, try mo mag-reach out sa iba. Who knows, baka and’yan na ang future BFF mo or ang taong magdadala ng good vibes at growth sa life mo. Gow lang, walang talo sa dagdag-connections!


6.⁠ ⁠Be Proud of Yourself – Gurl, tigilan na ang self-doubt ha? Winner ka, iparamdam mo! Walang makakatalo sa isang beks na confident sa sarili. Let’s slay 2025 with fierce energy! Sabi nga nila, ‘Proud of me and my short list of accomplishments’, say mo?


7.⁠ ⁠Treat Yourself Responsibly – Dasurv mo ‘yan, sis! Mag-shopping spree ka na kung afford, pero make sure na walang utang drama after. Designer kung kayang-kaya, Divisoria kung medyo tipidity. Basta happy ka, lavarn!Mga dzai, tara na! I-level up natin ang life goals at paandar na dasurv natin. Wagi ang taon kung wagi rin tayo! Bonggang energy lang, mga beshie. Gow na, gora na, push na ngayong 2025!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page