ni Mylene Alfonso | May 30, 2023
Nagbabala si Senadora Imee Macos laban sa agarang pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) kung saan sinasabing malabo pa rin ang layunin at pagkukuhanan ng pondo para sa nasabing sovereign fund.
Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na "ideal" ang pag-apruba sa panukalang batas bago ang sine die adjournment sa Hunyo 2, ngunit ang problema ay ang mismong bersyon ng Senado dahil wala pa rin aniyang "final language" at ang pinapasok na mga pag-amiyenda mula sa Department of Finance.
"Ako, kung saka-sakaling minamadali, hindi ako papayag kasi malaking pera ‘yan.
Mababaon ang ating mga anak. At hindi dapat minamadali 'yung ganyan," diin ni Imee.
Muling iginiit ni Imee na dapat malinaw ang pagmumulan ng pondo para sa MIF kasabay ng pagdiin na ang pagtatag ng sovereign fund ay dahil sa sobrang kita ng gobyerno, na aniya ay wala sa Pilipinas sa kasalukuyan.
"When you get a windfall, that is usually the beginning of a sovereign fund. I don't feel any windfall. Right now, I feel utang," hirit pa ng kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kung saan maging ang foreign sovereign funds na nagsisilbing modelo ng MIF ay kasalukuyang nasa panganib