top of page
Search

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 26, 2021



Mula nang makisilong lang umano ang nasa mahigit 200 Chinese ship sa Julian Felipe Reef dahil sa sama ng panahon, painit na nang painit ang tensiyon sa West Philippine Sea.


Nakababahala ang ganitong sitwasyon, dahil kapayapaan sa rehiyon ang nabubulabog nito, lalo na’t marami pang nakiki-ride on o ‘sakay baby’ na tila maiinitin din ang ulo. Scary ‘yan, ha!


Plus, may nakikisawsaw pa at tila sumusulsol ang ilang kaibigan kunong bansa na ipagtatanggol daw tayo sakaling birahin tayo ng China at ituloy ang pag-aastig-astigan sa Spratlys. Juicekoday! Hindi ‘yan ayon sa kulturang Asyano na pamamaraan ng pagresolba.


Ina-aaraw-araw na ang protesta natin, noong Biyernes dalawang diplomatic protest na ang naihain laban sa China. Oks lang ang mga diplomatic protest, pero pagdating sa komprontasyon ay teka, preno muna tayo. Hindi dapat idaan sa kapusukan at galit ang isyu.


Katig ako sa ating Pangulong Duterte na maging mahinahon pa rin sa ganitong napaka-sensitibong usapin. IMEEsolusyon na nakikita natin na magpadala sana agad ang ating Pangulo ng Special Envoy to China at hirit nga sana natin, eh miyembro ng Duterte family na tulad ni Mayor Sara ang mapisil niya.


Iayon sa kulturang Asyano ang pakikipag-ayos sa kapwa Asyano. Iba talaga kapag mula sa Pamilya Duterte na tulad ni Mayor Sara ang kakausap sa China at matitiyak din ang prangkang pag-uulat sa ating mahal na Pangulo.


Ikalawa, IMEEsolusyon din dito ay dapat mag-level up na, ‘ika nga, ang gobyerno sa pagsulong ng mga kasunduan tungkol sa pangingisda, oil and gas exploration, paglaban sa krimen at pangangalaga ng karagatan sa pinag-aaawayang maritime areas.


Isama na rin d’yan ang pagkompleto na sa tinatawag na Joint South China Sea Code of Conduct ng mga miyembro ng ASEAN o Association of South East Asian Nations at China.


Nagtagumpay na tayo sa pagsulong ng “shared interests” o magkatuwang na layunin sa ating mga kapitbahay sa ASEAN noong nakapaglatag ng joint naval anti-terrorism force ang Pilipinas, Malaysia at Indonesia, kasunod ng nangyaring Marawi Siege.


Dapat isulong ng ating bansa ang mga magkatuwang na layunin kaysa pansariling interes lamang, kung nais nating manatili ang pagkakaisa at kapayapaan sa rehiyon. Kooperasyon ang ibubunga ng diplomasya, agree?

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 23, 2021



Mula nang magpandemya, mas lumakas ang bentahan sa online ng iba’t ibang produkto, tulad ng mga gamit, damit at pagkain.


Pero, nakaaalarma na mabiktima ang mga online shoppers ng mga puslit na produkto tulad ng smuggled na mga imported pork at meat products na, ‘di ba?


Super-delikado talaga ang posibilidad na may tama o kontaminado ng ASF o African Swine Fever kapag nakabili ng smuggled pork sa online. Baka maging super-spreader pa ng ASF ang kontaminadong baboy. Ang saklap ‘pag nagkataon!


IMEEsolusyon pa rin d’yan, partikular na ang pagpu-push natin na istriktong inspeksiyunin ng National Meat Inspection Service ang mga ibinibentang smuggled o imported pork sa online.


IMEEsolusyon din para sa proteksiyon ng mga magbababoy na hindi pa nadarapuan ng ASF na habulin ng NMIS o DA ang mga hindi awtorisadong online sellers, para masigurong hindi kontaminado ng ASF ang maibebenta sa publiko. Makipag-usap na sa Lazada, Shopee, at iba pang online selling platform. ‘Di ba!


Plis, ‘wag ninyong ipaubaya ‘yan sa local government units o LGUs, dahil trabaho n’yo talagang tutukan at inspeksiyunin ang mga ‘yan!


IMEEsolusyon naman sa ating mga kababayan na sa legit online sellers na kayo mag-shopping tulad sa Lazada at Shopee par sure ang quality control.


Pakiusap lang nating gawin na sana ito ng maaga, bago pa mauwi na naman ito sa mas malalang hawahan ng ASF sa mga alagang baboy ng ating mga local hog raisers. Hay buhay, ‘wag na sana itong maging dagdag-pahirap sa ating mga naghihikahos na kababayan! Agree?

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 21, 2021



Sa gitna ng matinding kagutuman dahil sa mga serye ng mga community quarantine, umusbong na ang maraming community pantry na nagsimula sa Quezon City, sinundan pa sa Pasig City, Batangas at sa iba’t ibang lugar.


Bayanihan ito at donasyon ng iba’t ibang pribadong indibidwal o grupo kung saan puwedeng manghingi ang sinumang nagigipit at nagugutom nating mga kababayan. May mga kamote, mais, gulay at kung anu-ano pa, at pinakahuli, pati nga condom ay nakita nating ipinamamahagi na!


Patunay lang ito na tayong mga Pinoy, kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa habang nasa gitna tayo ng krisis dulot ng pandemya, ‘di ba?


Sa ating bahagi naman, may IMEEsolusyon din para sa ating mga kababayan ang pagpapaikot ng #IMEEkadiwa sa iba’t ibang mahihirap na lugar kung saan makakabili ng mura at may diskuwentong pagkain at iba pang essentials.


IMEEsolusyon din natin para sa kahirapan ang #IMEElunggay sa may kahit kaunting lupa o lugar para pasu-pasong magtanim ng sariling pagkain, ang masustansiyang malunggay — kapag dumami ito at makakagawa ng malunggay powder at oil ay puwede nang pagkakakitaan ng mga nanay.


Meron din tayong #IMEEtrabaho, kung saan may mapapasukang libu-libong trabaho sa iba’t ibang kumpanya — mula sa janitor hanggang sa mga propesyunal.


Habang tayo’y buhay at may tiwala sa Diyos, may pag-asa. Community pantry man o anumang magagawang pagbabayanihan sa kapwa, #IMEEsolusyon ang bawat isa sa atin na labanan ang COVID-19!


‘Ika nga, isa para sa lahat, lahat para sa isa. Ang kakulangan ng iba, punan natin at gawan ng paraan. Walang bagay na hindi natin kaya basta tayo’y sasama-samang nagtutulungan at nagkakaisa! ‘Yan ang lahing Pinoy!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page