top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Feb. 19, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos



Hindi ikinatakot ni Senador Imee Marcos ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpatay sa mga senador kung saan sinabi niyang sanay na siya sa "Davao trash talk" nito.


"Baka sila balakid, alam mo 'yun. Balakid, di-ka-lab, ako kasi 'di ako natatakot kasi ako lab.


Balakid siguro sila kaya kinakabahan," pahayag ni Marcos.


“Sanay na rin tayo sa Davao trash talk, di ba?” dugtong ng senadora.


Una rito, sinabi ni Duterte sa proclamation rally ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) Senatorial candidates noong nakaraang linggo na napag-usapan na patayin ang mga senador para magkaroon ng puwesto ang mga kandidatong ineendorso niya.


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Feb. 9, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, aminin n’yo — ang taas ng presyo ng mga bilihin, nakakaluha! As in, isang tingin mo pa lang, parang gusto mo nang mag-walkout sa palengke. Jusko, dati rati, may P500 ka, pak na pak na pang-ulam for a week.


Ngayon? Walang laban, isang meal lang yata! Kaya naman, bet ko talaga na pantay na minimum wage ang i-push! I mean, bakit naman mas maliit ang sahod sa probinsya? Eh kung tutuusin, mas mahal pa nga minsan ang bilihin doon kaysa sa Maynila! ‘Di ba? 


Pare-pareho lang naman tayong nag-e-effort, gumigising ng maaga, bumabiyahe ng bonggang tagaktak sa pawis — so bakit hindi pantay ang kita?


Enough na sa luma’t bulok na sistema! Oras na para i-level up ang sahod! Hindi puwedeng forever tayong nakadehado mode sa probinsya. Hindi porke’t promdi, mas mura na agad ang gastos — charot-charot naman, sino ba nagsabi ng kalokohan na ‘yan?!


Heto pa, narinig ko na may nag-iingay ng dagdag daw na P200 sa sahod. Sa true lang tayo! Sigurado akong di ‘yan nakonsulta ang mga maliliit na negosyante, ang ating MSMEs. Naku! Siguraduhin nating ang pagtaas ng suweldo ay hindi magiging sanhi ng pagbagsak ng kahit sino. Dapat PATAS PARA SA LAHAT — sa mga empleyado at sa maliliit na negosyante. Agree???


So, mga beshie — G na tayo sa laban para sa pantay na minimum wage! Ipaglaban ang sahod na swak sa gastos, hindi ‘yung sakto lang sa pamasahe at pang-kape.


Dasurv natin ‘yan! Push natin ‘yang national minimum wage para sa lahat! Walang maiiwan!

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 31, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Ready na ba kayong humakot ng suwerte sa pera, pag-ibig, at buhay ngayong Chinese New Year? Dahil hindi lang basta pa-cute at paandar ang CNY traditions — may dalang buenas vibes talaga ‘yan! 


Heto na ang 7 sure win tips para sa masaganang 2025:


1.⁠ ⁠Wear your lucky color Sabi nga nila, dress to impress, at ngayong Chinese New Year, ang pagiging lucky na may kasamang style ang ating goal! Wear and know your lucky color para sa success at suwerte!


2.⁠ ⁠Hongbao vibes, hongbao success! Magsimula ng taon with the money magic! ‘Di puwedeng walang hongbao — ‘yung pulang sobre na may perang nagpapasok ng suwerte sa buhay. Reminder lang ha: Ilagay ang even numbers para extra good luck! Pero, rule of thumb, iwasan ang number 4. Malas ‘yan sa feng shui!


3.⁠ ⁠Suwerteng bahay, suwerteng buhay! Ang bahay mo, dapat puno ng good vibes! Ilatag ang mga pulang lanterns at gold charms sa bawat sulok, pati na rin ang Prosperity Bowl na may bigas, coins, at beans — pronto na sa never-ending na cash flow! Kung gusto mong mas magaan at mas suwabe ang daloy ng suwerte, ‘wag kalimutan ang lucky plants like bamboo or the money tree!


4.⁠ ⁠Sweep out the bad vibes! Ito na ang perfect time to declutter! Magwalis ng mga bad vibes, sweeping the dust ang peg! Alisin ang malas mula sa nakaraang taon, at i-welcome ang mga good fortune sa 2025. Clean house, clean energy!


5.⁠ ⁠Pay attention to feng shui Keep your home and workspace organized and clutter-free to attract good fortune. You know the drill — order equals prosperity. Maglagay ng mga lucky charms tulad ng snake para sa extra suwerteng dumadaloy! Ayusin mo na, hindi lang para sa bahay mo, kundi para sa happiness mo rin!


6.⁠ ⁠Don’t forget that Prosperity Bowl! Prosperity Bowl na may bigas, coins, at beans — pronto na sa never-ending na cash flow! Ready na ba? Go all out!


7.⁠ ⁠Believe in yourself, you’re the luckiest! At sa lahat ng efforts, ang pinakaimportante, believe in yourself! Walang tatalo sa sipag, tiyaga, at dasal — pero siyempre, dagdagan natin ng lucky charms at feng shui para sa extra magic.


Magsimula ng taon nang full of confidence — suwerte na, dasurv pa!Kaya mga beshie, let’s own 2025! Go big, go lucky, go successful! Gong Hei Fat Choi sa lahat!

Dasurv natin ang isang masaganang 2025!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page