top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022



Ia-adopt ng Iloilo City government ang four-day work week dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Inanunsiyo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas nitong Huwebes na ang City Hall employees ay gagawing apat na araw na lamang, dalawang linggo mula ngayon.


Ito ay base umano sa work schedule na suhestiyon ni National Economic Development Authority Director-General Karl Kendrick Chua.


“This will give our employees time to adjust their schedules both in work and in their homes,” ani Treñas sa isang pahayag.


Gagamitin din umano ng LGU ang modern jeepneys upang isakay ang mga empleyado mula sa district public plazas at City Hall, araw-araw.


Ikokonsidera rin ang iba pang energy conservation measures, ayon pa sa alkalde.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 12, 2022



Sumiklab ang sunog sa Mandurriao, Iloilo City kung saan 66 na bahay ang natupok at nasa 107 pamilya ang naapektuhan nitong Biyernes ng hapon.


Nagsimula ang sunog bandang 3:30 p.m. sa Barangay Airport at idineklarang fire under control ng Iloilo City Fire Station 6:43 p.m.


Dikit-dikit umano ang bahayan at karamihan ay gawa sa light materials kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy, ayon sa Iloilo City Fire Station.


Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 11, 2022



Ibinaba na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Alert Level 1 ang Iloilo City matapos nitong maabot ang criteria sa deescalation, ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar.


“IATF on Thursday, March 10, approved the de-escalation of Iloilo City to Alert Level 1 after meeting the prescribed criteria for de-escalation to Alert Level 1 of the sub-Technical Working Group on Data Analytics,” ano Andanar sa isang pahayag.


“This shall take effect immediately and until March 15,” dagdag niya.


Nagpulong ang IATF nitong Huwebes hinggil sa posibleng deescalation ng bansa sa Alert Level 1.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page