top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 12, 2023




Inuudyok ni Gov. Rhodora "Dodod" Cadiao ang isang masusing imbestigasyon hinggil sa bus accident na ikinamatay ng 19 katao sa Hamtic, Antique noong Disyembre 5.


Inirerekomenda niya kay Police Col. Rogelio Abran Jr., ang hepe ng pulisya sa Antique, na siguruhing makuha ang dashcam footage at memory card mula sa Vallacar Transit Inc., ang operator ng Ceres bus na nasangkot sa aksidente.


“I appeal to Police Col. Abran to facilitate the return of the equipment and seek assistance from the National Bureau of Investigation (NBI) to delve into the specifics of what transpired with the Ceres bus. We must scrutinize every angle to understand the reasons behind this tragedy,” pahayag ni Cadiao.


Ayon sa VTI, sira ang dashcam at itinatago nila ang memory card na naglalaman ng mga nakuhang footage.


“Let us examine every aspect of what occurred last December 5. Whether it was a mechanical issue or related to road design. We need a comprehensive understanding,” sabi ni Cadiao.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 10, 2023




Patay ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) sa engkwentro sa mga sundalo ngayong Linggo, sa bayan ng Lambunao, lalawigan ng Iloilo.


Hindi pa natutukoy ng Army 3rd Infantry Division (ID) ang nasawi.


Nakipaglaban ang mga sundalo mula sa 31st Division Reconnaissance Company (DRC) sa ilalim ng 301st Infantry Brigade (IB) sa limang gerilyang komunista sa Sitio Tagbakan 1, Barangay Jayubo, habang tinutugis ang mga tumatakas na rebelde matapos ang insidenteng barilan noong Sabado.


Isang miyembro ng NPA ang napatay sa bakbakan na tumagal ng limang minuto.

Ayon kay Lt. Col. J-Jay Javines, hepe ng Tanggapan ng Pampublikong Ugnayang Panlaban (Public Affairs Office) ng 3rd ID, isang homemade shotgun ang narekober mula sa patay na rebelde.


Nakiramay naman si Major General Marion Sison, 3ID commanding general, sa pamilya ng namatay.

 
 

ni Eli San Miguel @News | October 26, 2023





Kinondena ng isang grupo ang umano'y pagre-red-tag sa mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lalawigan ng Iloilo.


“The baseless black propaganda against well-meaning candidates undermines the electoral process. It causes undue fear among the public and the electorate and violates the sanctity of their votes,” sabi ng Bayan-Panay sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 26.


Lumantad noong Miyerkules, Oktubre 25, ang mga leaflet na may impormasyon na tumutukoy sa mga kandidato na umano'y sumusuporta sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa kanilang armadong kilusan, ang New People's Army (NPA).


Sa mga leaflet, makikita ang pangalan ng mga barangay captain at konsehal.


Itinanggi naman ng 3rd Infantry Division (ID) ng Philippine Army na sila ay sangkot sa pamamahagi ng mga leaflets.


“We are not campaigning for or against any candidate. We are even espousing for honest and peaceful elections,” pahayag ni Lt. Col. J-Jay Javines, 3rd ID spokesperson.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page