top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 2, 2021



Labanan ng magkakapamilya sa susunod na eleksiyon sa Ilocos Sur. Magkakatapat sa pagka-vice governor sina Luis "Chavit" Singson at ang anak niyang si Ryan Luis.


Naghain na ng kani-kanilang certificate of candidacy (COS) sina Ryan, misis niyang si Patch Savellano-Singson, at biyenan na si Representative Deogracias Victor "DV" Savellano.


Ang asawa ni Ryan na si Patch ang tatakbong gobernador ng lalawigan sa halalan.


Kasalukuyang governor ng Ilocos Sur si Ryan na nasa ikatlo at huli na niyang termino pero sa darating na halalan, siya ay tatakbong vice governor.


Ang biyenan naman ni Ryan na si incumbent 1st District Representative DV Savellano ay muling kakandidato sa nabanggit na posisyon.


Makakatapat ni DV sa pagka-kongresista ang isa pang anak ni Chavit na si Ronald.


Ang kapatid naman ni Chavit na si Jerry ang makakalaban ni Patch sa posisyon ng gobernador.

 
 

ni Lolet Abania | June 18, 2021



Umabot sa P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang lalaki sa ikinasang operasyon sa Laoag City, Ilocos Sur.


Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Ronald Melchor na mula sa National Capital Region (NCR) habang sa northern Luzon regions nag-o-operate ng kanyang illegal drug activities.


Gayunman, itinanggi ito ng suspek at sinabing hindi niya batid na ang bag na ipinadala lamang umano sa kanya ay naglalaman ng ilegal na droga.


Nakadetine na ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page