top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021





Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa halagang P150 million unregistered personal protective equipment (PPE) kabilang na ang mga face masks at shields sa isang warehouse sa Binondo, Manila noong May 5.


Sa pakikipagtulungan ng BOC sa Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS), at Philippine Coast Guard (PCG), hindi nakalusot ang mga naturang produkto.


Kaakibat ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, nag-inspeksiyon ang awtoridad sa storage facility at natagpuan ang mga hindi rehistradong Aidelai masks at Heng De face shields, cosmetic/beauty products, luxury clothing, mga laruan at cellphone cases.


Saad pa ng BOC, “Further inventory and investigation are underway to ascertain the value and for the possible filing of charges for violation of Section 1400 of RA 10863 also known as the Customs Modernization Act (CMTA).


“The Bureau reiterates the importance of ensuring the authenticity of items especially for items such as face masks and other PPE.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 14, 2021




Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang P50 million halaga ng endangered giant clam shells o “taklobo” sa Bayawan City, Negros Oriental noong Biyernes.


Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Ricarido Santiana Dela Cruz, Jr. at inaresto sa entrapment operations na isinagawa ng Crime Investigation and Detection Group RFU 7 Negros Oriental PFU, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bayawan City Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) at 1ST Provincial Mobile Force Company, NOPPO.


Ibinebenta ni Dela Cruz ang 1,000 kg ng giant clam shells (taklobo) sa halagang P5 million sa pulis na nagpanggap na kostumer. Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang entrapment money; 1,000 kg ng taklobo na bahagi ng total inventory na tinatayang aabot sa higit-kumulang 10,000 kilos na nagkakahalagang P50 million; isang cal. 45 Colt pistol; isang magazine ng cal. 45 pistol; at 7 live ammunition para sa cal. 45 pistol.


Pahayag ni PNP Chief Police General Debold Sinas, "This accomplishment ensures that the sustainable conservation and protection of fishery and aquatic resources law is being implemented by our local authorities.”


Ayon sa awtoridad, isang Yan Hu Liang, alias Sunny, ang nagmamay-ari ng endangered giant clam shells na tinatayang aabot sa international market value na P918 million.


Sina Dela Cruz at Yan Hu Liang ay haharap sa kasong paglabag sa Fisheries Code sa ilalim ng Administrative Order 208 o "Conservation of rare, threatened and endangered fishery species." Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Bayawan City Police Station si Dela Cruz habang si Yan Hu Liang naman ay hinahanap pa ng awtoridad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page