top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 21, 2023



Nasakote sa ginawang operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang walong lalaki sa Balanga City, Bataan matapos masangkot sa ilegal na online gambling nitong Biyernes, Oktubre 20.


Ayon sa report na inilatag ng PNP-ACG, sinimulan nilang umaksiyon matapos makatanggap ng report mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporations (PAGCOR) noon pang buwan ng Agosto.


Sa isinagawa umanong inspeksiyon ng pulisya, nakuha ang search warrant galing sa computer data ng mga nahuli.


Nasamsam din ng pulisya ang mga desktop, extension monitor, laptop, mobile phones, tablet, Airmix tambiolo, set ng numbered plastic balls, router at CCTV sa naturang operasyon.


Hinihiling ng PNP-ACG ang kooperasyon ng mga nabiktima sa pamamagitan ng pagre-report sa awtoridad.


Sa kabilang banda, paalala naman ng pulisya, mag-ingat ang mga nag-o-online raffle sa pagsusuri kung ang isang nag-oorganisa ng raffle ay may nararapat na permit.


Nahaharap naman sa kasong nakapailalim sa Cybercrime Prevention Act ang mga nadakip na suspek.


 
 
  • BULGAR
  • Feb 28, 2023

ni Benjamin Chavez | February 28, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Inaresto ang 12 katao na nagtutupada sa Bgy. Macabling at Bgy. Malitlit sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sa Bgy. Macabling, 9 katao ang hinuli nang magsagawa ng operasyon laban sa ilegal na sugal ang mga operatiba ng Intel ng Sta. Rosa City Police Station.

Kinilala ang mga inaresto na sina Jhon Nieves, Jodie Molera, Joven Barcala, Roland Palamos, Ariel Silang, Carlito Esquillio, Isidro Fomanes, Joemar Sta. Teresa at Richard

Nieves.

Nakumpiska ang dalawang tari, mga manok na panabong at taya na P4,500. Tatlo naman ang naaresto sa Bgy. Malitlit, na kinilalang sina Carlito Rosario, Benjamin Ention at Ralph Jorvis Dondiego.

Nakumpiska ang dalawang panabong, tari at P1,100 na taya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 20, 2021



Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 36 foreign nationals sa Pasay City noong Lunes nang hapon sa isinagawang raid sa illegal online gaming company.


Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon ang ahensiya matapos makatanggap ng ulat ang intelligence division na may mga nagtatrabaho umanong foreigners na walang appropriate permits sa Double Dragon Tower 3, Pasay City.


Pahayag ni Morente, “We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate.”


Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., nagsasagawa ng illegal live studio gambling ang kumpanya kung saan ang karamihan sa mga operators at management nito ay mga Koreano.


Saad pa ni Manahan, “Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations.”


Tatlumpu’t anim sa mga banyaga ang nasa kustodiya na ng awtoridad dahil sa pagtatrabaho nang walang working visa at dokumento.


Saad pa ni Manahan, “We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country.


“However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally.”


Dadalhin umano sa BI’s Warden Facility sa Bicutan, Taguig ang mga inaresto pagkatapos lumabas ang resulta ng kanilang RT-PCR test.


Panawagan din ni Morente sa mga banyaga, “We call on all foreigners to legalize your stay.

“Do not take advantage of the pandemic, because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page