top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 28, 2023

ni Benjamin Chavez | February 28, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Inaresto ang 12 katao na nagtutupada sa Bgy. Macabling at Bgy. Malitlit sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sa Bgy. Macabling, 9 katao ang hinuli nang magsagawa ng operasyon laban sa ilegal na sugal ang mga operatiba ng Intel ng Sta. Rosa City Police Station.

Kinilala ang mga inaresto na sina Jhon Nieves, Jodie Molera, Joven Barcala, Roland Palamos, Ariel Silang, Carlito Esquillio, Isidro Fomanes, Joemar Sta. Teresa at Richard

Nieves.

Nakumpiska ang dalawang tari, mga manok na panabong at taya na P4,500. Tatlo naman ang naaresto sa Bgy. Malitlit, na kinilalang sina Carlito Rosario, Benjamin Ention at Ralph Jorvis Dondiego.

Nakumpiska ang dalawang panabong, tari at P1,100 na taya.


 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Dalawang pulis mula sa Rizal Province at Quezon City ang napipintong masibak sa serbisyo matapos na maaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na aktibidad, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules.


Sa isang statement ng PNP, naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Police Staff Sergeant Ariel Yalung sa Quezon City hinggil sa ilegal na pagbebenta at overprizing ng Tocilizumab, isang gamot na ginagamit laban sa COVID-19.


Isinagawa ng NBI ang operasyon dahil sa mga reklamo na mayroong dalawang indibidwal na nagbebenta umano ng Tocilizumab online sa halagang P95,000, na mas mataas ang presyo kumpara sa suggested price na P25,000.


Naaresto naman ng Integrity Monitoring and Enforcement Group si Police Staff Sergeant June Angeles sa isang entrapment matapos na akusahan na nagde-demand ng pera mula sa asawa ng isa mga deatinee sa San Mateo, Rizal.


Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar nakakulong na ang mga suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo.


“Tinitiyak ko na matatanggal sa serbisyo ang dalawa sa aming kasamahan dahil sa kalokohang kinasangkutan nila,” ani Eleazar.


Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na agad na ipaalam sa mga awtoridad anumang impormasyon hinggil sa mga pulis na nasasangkot sa kahina-hinala at ilegal na aktibidades.


 
 

ni Lolet Abania | August 18, 2021



Nakasamsam ang mga awtoridad ng P4.2 milyong halaga ng mga COVID-19 rapid test kits sa isang operasyon sa Pasig City kahapon, ayon sa Philippine Air Force (PAF).


Sa isang statement na inisyu ng PAF ngayong Miyerkules, nasabat ng kanilang mga ahente at mga operatiba ng Quezon City District Field Unit-Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU-CIDG) ang 21,000 Konsung brand na COVID-19 Rapid Test Kits sa isinagawang operasyon nitong Martes.


Ayon pa sa PAF, apat na lalaki ang inaresto sa umano’y ilegal na pagbebenta ng mga test kits online. Dinala ang mga suspek sa QCDFU-CIDG habang nahaharap sa kasong paglabag sa FDA Act of 2009 in relation to FDA Advisory No. 2020-016 o ang Prohibition of Online Selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kits.


“Rest assured, the PAF will continue to work hand-in-hand with different government units to apprehend individuals who are illegally selling COVID-19 Rapid Test Kits,” pahayag ng PAF.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page