top of page
Search

ni Lolet Abania | June 15, 2022



Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon na isailalim ang National Capital Region (NCR) at marami pang lugar sa bansa sa Alert Level 1 mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30.


Ginawa ng IATF ang desisyon sa kabila ng mga nai-report na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR at iba pang lugar sa nakalipas na mga araw.


Ayon kay Presidential Spokesman Martin Andanar, ang mga sumusunod na lalawigan, highly urbanized cities at ICCs na isasailalim sa Alert Level 1 ay:


NCR: Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Pateros, Pasig, Marikina, Taguig, Quezon, Manila, Makati, Mandaluyong, San Juan, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, at Pasay;

Cordillera Administrative Region (CAR): Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, at Mountain Province;

Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan;

Region II: Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino;

Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, at Zambales;

Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, at Rizal;

Region IV-B: Marinduque, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, at Romblon;

Region V: Albay, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon;

Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City;

Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City (Opon), Mandaue City, at Siquijor;

Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, at Tacloban City;

Region IX: Zamboanga City

Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, at Misamis Oriental;

Region XI: Davao City at Davao Oriental;

Region XII: South Cotabato

CARAGA: Butuan City, Surigao del Sur, at Agusan del Norte;

Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM): Cotabato City


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2022



Pinayagan na ng gobyerno ang lahat ng establisimyento sa ilalim ng COVID Alert Level 1 na mag-operate ng 100 percent capacity kabilang na ang ibang mass gatherings, subalit para lamang sa mga full vaccination status.


Nitong Sabado, inamyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang ‘Guidelines on the Nationwide Implementation of Alert Level Systems for COVID-19’, kung saan aprubado na ang 100 percent capacity sa Alert Level 1, habang subject naman ito ng pagpapakita ng patunay ng full vaccination, “before participating in mass gatherings or entry into indoor establishments,” ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa isang pahayag.


“[The IATF] recognizes the need to further identify the establishments and/or activities that are allowed to operate or be undertaken in Alert Level 1,” sabi pa ni Andanar.


Batay sa dating guidelines, ang mga indoor cinemas lamang ang pinapayagan na mag-operate nang full capacity ng IATF. Una nang inanunsiyo ng Malacañang na ang Metro Manila at marami pang lugar sa bansa ay mananatili sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo.


 
 

ni Zel Fernandez | May 13, 2022



Tinatayang aabot sa 2,000 healthcare workers na ang naipadala ng Pilipinas sa ibang bansa, mula noong Enero hanggang nitong Mayo 2022.


Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, sa isinagawang briefing ng Laging Handa, karamihan sa mga nai-deploy na healthcare workers ay pawang mga nurse.


Matatandaang ngayong taon ay nagkaroon ng pahayag ang gobyerno na aabot lamang sa 7,500 healthcare workers ang papayagang makapagtrabaho sa labas ng bansa, lalo at nasa kalagitnaan pa ng pandemya ang Pilipinas.


Gayunman, kasunod ng pagluluwag ng mga health and safety protocols laban sa COVID-19 kaugnay ng pagbiyahe abroad, maaari na umanong mairekomenda sa Inter Agency Task Force (IATF) na maitaas pa ang deployment cap ng mga healthcare workers na pagbibigyang makapangibang-bansa.


Nauna rito, nakapagsagawa na anila ang Professional Regulation Commission (PRC) ng nursing licensure exam noong nakaraan at ngayong taon dahilan upang madagdagan pa ang mga registered nurses sa Pilipinas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page