top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 19, 2023




Kinumpirma ni Vice-President Sara Duterte ngayong Linggo na nag-iimbestiga ang kanyang opisina ukol sa sabi-sabing pagpapatalsik sa kanya at nilinaw na walang gusot sa pagitan nila ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.


Iniugnay ang mga umusbong na tsismis sa sinasabing hidwaan sa loob ng mga nagsasanib na grupo sa administrasyong binubuo ng mga malalaking partido at mga maimpluwensyang pamilya.


Saad ng Bise Presidente, sinusuri pa nila nang mabuti ang isyu upang makapagbigay ng pahayag sa tamang oras.


Sa kabilang banda, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na walang ginagawang pagkilos ang House of Representatives para patalsikin si VP Sara sa kanyang puwesto.

 
 

FGni Angela Fernando - Trainee @News | November 10, 2023




Posibleng 'inside job' ang hacking na ginawa sa website ng House of Representatives kamakailan.


Ayon kay Secretary General Reginald Velasco, maaaring na-hack ang email o telepono ng tagapamahala ng website ng Kamara kaya napasok din nito ang kanilang website.


Kasalukuyang 'di pa nahahanap ang salarin sa hacking kahit na 4 hanggang 5 ang administrators nito.


Aniya, maaaring inside job ang nangyari sa email at cellphone ng mga administrators.


Wala namang nakuhang mahahalagang impormasyon o data ang mga hackers at ginamit lang 'to para magpaskil ng meme gamit ang website ng HOR.


Dahil dito, pinayagan ni Speaker Martin Romualdez ang pagbuo sa cybersecurity committee na hawak ni Velasco.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 7, 2023




Lumala ang panghihimasok ng China sa mga sasakyang pandagat ng 'Pinas at sa mga Pilipinong mangingisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) matapos na alisin ang military base ng US sa bansa taong 1990, ayon sa opisyal ng Department of National Defense (DND) nitong Martes, Nobyembre 7.


Ito ang naging pahayag ng DND Undersecretary for Strategic Assessment and Planning na si Ignacio Madriaga sa isang pagdinig sa House Committee matapos siyang tanungin kung nakatulong ba ang mga base ng militar ng US bilang pamigil sa paglabag ng China sa West Philippine Sea.


Dagdag niya, maaaring ituring na nu'ng panahong may mga base ang militar ng America sa bansa, nakatulong ang kanilang presensya na pasukin ng China ang EEZ.


Sa kasalukuyan, ayon kay Rizal Representative Wowo Fortes, dapat na maging handa ang bansang harapin ang mas lumalala pang pagkilos ng China sa teritoryo at karagatan ng 'Pinas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page