ni Angela Fernando @News | May 17, 2024
Binuksan ng komite ng karapatang pantao ng House of Representatives ang isang pagdinig hinggil sa extrajudicial killings (EJK) sa panahon ng war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte na nasa pamumuno ng dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Ini-schedule ang pagsisiyasat dalawang araw bago magtapos ang ikalawang regular na sesyon ng 19th Congress sa Mayo 24.
Sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na siyang nangunguna sa komite sa karapatang pantao ng Kamara, na itinakda ang pagsisiyasat sa Mayo 22 at ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon ay imbitado.
Samantala, nilinaw din ni Abente Jr. na hindi nila nakikita ang rason upang bigyan ng subpoena ang dating Presidente at si Senador Ronald dela Rosa.
Ayon sa Manila Rep., hindi nila inaasahan ang pagdalo ng dalawa sa imbestigasyon para sa EJK.
Iginiit din nitong magiging patas ang pagsusuri at kinakailangan ito dahil marami sa biktima ng EJK ay puro alegadong user at dealer ng ipinagbabawal na gamot.