Fni Angela Fernando - Trainee @News | December 7, 2023
Inaprubahan ng Kongreso ang isang panukalang batas na may layong dagdagan ang benepisyo ng mga sentenaryano at senior citizens.
Ayon kay House Committee on Senior Citizens Affairs Chair Rodolfo Ordanes nitong Huwebes, pumayag ang bicameral conference committee na itaas sa P10-K ang cash gift na ibibigay sa mga Pinoy na senior citizen sa loob ng isang taon kapag sila'y tumuntong ng edad na 80, 85, 90, at 95.
Makakatanggap naman ng P100-K na cash gift ang mga senior na aabot sa edad na 100.
Dagdag ni Ordanes, ang mga mambabatas ay nagkasundo sa pangangailangan para sa Senate-proposed Elderly Data Management System.
Susuriin namang maigi ng Kamara at Senado ang mga paraan para matukoy ang panggagalingan ng pondo at masiguro ang pagpapatupad nito.