top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 4, 2021




Umabot na sa 200% capacity ang emergency room (ER) ng Lung Center of the Philippines (LCP), habang nasa 100% capacity naman ang COVID-19 wards, ayon sa kanilang anunsiyo noong Sabado.


Saad ng LCP, "We are currently not accepting walk-in and uncoordinated transfer of COVID-19 patients as well as elective surgical and non-emergency medical non-COVID patients.”


Ayon din sa LCP, maaaring tumawag sa kanilang concierge number na 8924-6101 local 1156 ang mga nais magpakonsulta.


Maaari rin umanong i-text ang sumusunod: “OPD Service Patients: 0977-768-8732 (look for Ms. Danica Prado; “Doctor’s Clinic Private Patients: 0961-696-5062 (look for Ms. Glaiza Luminta); at “Pedia (Private Clinic & OPD Service Patients): 0995-301-5248/0917-591-3339 (look for Ms. Joann Clareto).”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 16, 2021




Puno at okupado na ang halos 180 na hospital beds ng Philippine General Hospital, ayon sa pahayag ni Spokesperson Jonas del Rosario ngayong umaga, Marso 16.


Aniya, "We only have 30 beds for our ICU and it’s full. This morning it’s full… We opened 180 beds, this would be almost 30% of our current bed capacity which is pretty much the maximum that we are willing to commit to government because we also have a lot of non-COVID patients we have to attend to."


Dagdag pa niya, mahigit 157 ang mga pasyenteng naka-admit dahil sa COVID-19 kung saan 25% sa kanila ay nakakaranas ng severe conditions, 20% ang critical at 40% naman ang moderate, habang ang iba’y mild patients lamang. Umapela na rin sila sa Department of Health upang mag-deploy ng mga volunteer health workers dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo sa virus.


"Maybe 20 to 30 will be a good start just to relieve our frontliners. They get tired after a while. According to the ICU doctor, he can sense again fatigue from the trainees," sabi pa ni Del Rosario.


Kaugnay nito, okupado na rin ang mahigit 77% hospital beds ng East Avenue Medical Center kung saan 250 na kama ang nakalaan para sa COVID-19 patients.


Ayon pa kay Medical Chief Dr. Alfonso Nuñez, "The beds allotted for COVID patient, umaabot na sa 77% ang utilization namin, at sa karanasan namin, patuloy pong tumataas ito.” Tinatayang 500 contractual health workers mayroon ang ospital at mahigit 51 sa kanila ang infected ng virus.


Samantala, 60% healthcare workers naman ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa EAMC. Sa ngayon ay umabot na sa 5,404 ang karagdagang kaso ng mga nagpositibo sa virus at naitala ang kabuuang bilang na 626,893.

 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2021




Ramdam na sa maraming ospital sa Metro Manila ang epekto ng biglang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng may COVID-19 sa mga nakalipas na araw.


Una rito ang Philippine General Hospital na nagsabing ang kanilang bed capacity ay umabot na sa 70%.


“Consistently, we are admitting new COVID-19 patients, mga 10 patients a day. Ngayon po, as of the last count ay 121 ang naka-admit na may COVID, pero may pending admissions po. Ito po ay sa loob lamang ng isang linggo ay mabilis lumampas ng 100 pasyente ang na-admit namin,” ani PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.


Ayon kay Del Rosario, sa ngayon, ang intensive care unit beds ng ospital ay napuno na rin. Gayundin, may kabuuang 82 health workers ng PGH ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Kinumpirma naman ng Quezon City General Hospital na ang kanilang COVID-19 wards at ICU beds ay puno na ng mga may coronavirus.


Noong March 13, umabot naman sa 60% sa San Lazaro Hospital ang COVID-19 beds na okupado ng mga pasyente.


“We can still accommodate 40% but if those patients are critical then we might not be able to put them in the ICU,” sabi ni Dr. Rontgene Solante ng SLH. Sa Lung Center of the Philippines, 60 sa kanilang 81 COVID-19 beds ay okupado na rin ng mga pasyenteng may coronavirus.


“The most difficult is ensuring enough beds for the incoming wave,” pahayag ni LCP hospital director Vincent Balanag, Jr.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page