ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 8, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 8, 2025 (Miyerkules): Habang lumalakad ang panahon, mas aangat ka nang aangat. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mas patatatagin ka ng iyong kapalaran at ngayon ka nakakaranas ng mga hindi mo maunawaang pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-14-29-31-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong katakutan ang mga pagsubok, dahil kusa rin naman itong aalisin ng langit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-15-23-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatawa ka, bakit mukhang susuko ka na? Hindi mo ba alam na hirap na hirap ang mga kumakalaban sa iyo? Kaya walang ibang dahilan para sumuko ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-21-24-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na nakita ng langit na parang hindi mo kaya ang mga hamon ng iyong kapalaran. Kaya papadalhan ka Niya ng taong aagapay sa iyo para hindi ka na mahirapan pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-25-30-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kikilos ka, hindi para sa iyo kundi para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-23-29-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hawak mo ang solusyon sa isang maselang problema. Ikaw lang ang pag-asa ng mga taong hirap na hirap na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-20-32-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag pinansin mo ang mga problema, mawawala ka sa porma. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-12-26-34-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutulungan ka ng ayaw mong hingan ng tulong. Gayunman, siya rin ang makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-15-23-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Susuwertehin ka ngayon dahil sa kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-21-25-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makakaranas ka ng mga mabibigat na suliranin, gayunman mas iiral pa rin ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-26-28-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Manahimik ka! Huwag mong pakitaan ng hindi maganda ang mga nagagalit at naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-22-28-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngiti lang ang panapat sa mga taong gumagawa ng hindi maganda sa iyo. Sa huli, magugulat ka dahil pawang kabutihan lang ang gagawin nila sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-19-20-31-44.