ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 13, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 13, 2021 (Martes): Harapin mo ang iyong mga kaaway nang bukas ang puso mo dahil ang pananalo ay para sa iyo. Ito ang sikreto ng iyong magandang kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang pakikipagtalo o debate. Sa araw na ito at darating pang mga araw, makapagpapaatras ng takbo ng iyong magandang kapalaran ang banggaan ng isip at talino. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-19-20-24-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tahimik mong isagawa ang iyong mga plano. Iwasan mong malaman ng iba dahil may babala na gagayahin ka at maaaring maunahan ka pa sa pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-27-33-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumonsulta ka sa mga nauna na sa iyo. Marami na silang alam na puwede mong pakinabangan upang makaiwas ka sa mga problemang pinagdaanan na nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-11-15-23-39.
CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maibulalas ang matagal mo nang sama ng loob. Dahil hindi mo maiiwasan ang galit, ito ay magiging tulad ng malakas na baha at marami ang magigiba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-19-20-24-25-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang nakatutuwang kapalaran mo na nagsasabing, kikilos ang mga lantad at lihim mong kaaway, pero sa bawat pagkilos nila, ikaw ang makikinabang at hindi sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-21-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong magagandang ideya dahil maliit ang tsansa na magagawa mo ang mga ito sa sarili mo. Mas magandang pakinabangan ito ng iba, lalo na ng malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-13-18-22-28-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdahan-dahan ka sa araw na ito dahil may babala na kapag nagmadali ka, ikaw ay madadapa. Ang kumikilos nang marahan ay kusang gumagana ang isipan kaya hindi nagkakamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-29-30-35-48.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa mundo, lahat ay nagbabago pero ang tao, matigas ang ulo kaya madalas ay naninindigan sa nasabi na nila sa kanilang sarili. Dapat ay bukas ang sarili mo sa pagpapalit ng prinsipyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-25-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang kumibo sa harap ng mahal mo sa buhay na magpapakita sa iyo ng galit. Kahit ang magkakaibigan ay hindi nagkakaintindihan, pero nananatiling nagmamahalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-29-39-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kikilos ang kapalaran mo nang pabor sa iyo, pero baka sa una ay hindi ka maniwala. Gayunman, sa maniwala ka o hindi, hindi na ‘yun mahalaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-24-28-37-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong baguhin ang naiplano mo na. Ang kailangan lang naman ay ang mabilis mo itong maipatupad. Kaya ang mas maganda ay kumilos ka na at huwag mag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-20-21-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi makukuha sa bilis ang pag-asenso. Kaya ituloy mo ang pagsisikap mo at ang iyong pangarap na gumanda ang iyong hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-20-27-33-38.