ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 16, 2021
Sa May Kaarawan Ngayong Abril 16, 2021 (Biyernes): Huwag kang matakot makipagsapalaran sa ibang bansa. Lakasan mo ang iyong loob dahil ito mismo ang sikreto sa katuparan ng iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon para sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Huwag na huwag mo itong itutok sa mga bagay na wala kang mapapala kundi ang lumigaya ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-14-23-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na paparami nang paparami ang magaganda mong kapalaran. Pero sa araw na ito, parami rin nang parami ang gustong manira sa iyo. Huwag mong kaligtaang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang matuwid at tama, roon ka. Kung saan baluktot ang katwiran at mali ang pananaw, agad mo itong layasan. Sundin mo at makikita mong maaayos ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-28-30-33-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mabuhay sa pag-iisa at kalungkutan. Ang mundo ay malawak at maraming oportunidad na naghihintay sa mga nangangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-18-22-27-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bubukas ang pintuan ng grasya sa langit. Ibinabalita rin ng iyong kapalaran na ito ay sa iyo nakatapat. Ihanda mo ang iyong sarili sa malalaking suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-29-31-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka sa mga pangakong walang laman. Ang mga ito ay magmumula sa mga taong mabibilis magsalita at halos hindi ka na makahirit ng kahit isang tanong. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-22-24-39-40-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangan mong tanggapin na rito sa mundo, may nabibigo at may nagtatagumpay. Ikaw na napabilang sa una ay hindi dapat mawalan ng pag-asa na sa huli ay magtatagumpay ka rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-21-23-25-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang iyong kailangan. Puwede mo ring bagalan ang iyong mga pagkilos at lalong maganda kung magkakaroon ka ng ilang sandali na ikaw ay walang ginagawang anuman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-24-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Ito ay ang labis na tiwala sa sarili dahil ito ang pagsunod sa pormula ng tagumpay na nagsasabing dapat ay maging positibo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-23-25-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malungkot sa nawala. Ang mas maganda ay ang masaya habang hinihintay ang tiyak na pagdating ng mga suwerteng kailangang-kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-13-20-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo mapipigilan ang mabilis na pagpaplano na mamasyal at lalong hindi ka maaawat na lumabas ng bahay. Ang mga ito ay gagawin mo bilang panlaban sa lungkot. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-19-20-25-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isama mo ang masayahin at iwanan mo ang malungkutin. Ito ang susi para magsiguhit sa iyong kapalaran ang mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-26-35-37-41.