ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 27, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 27, 2021 (Martes): Mapasasaiyo ang malalaking ambisyon mo. Kaya ang payo, huwag kang mag-alala kahit napakalaki ng tagumpay na gusto mong makamit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ay araw mo at ang mga araw na susunod ay iyo rin. Gawin mo na ang plano mong hindi natuloy dahil pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-24-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng sapat na lakas ng loob upang maumpisahan ang gusto mong mga proyekto na magpapaunlad sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-26-30-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo kung saan ka nahirapan. Hindi na dapat maulit ang nangyari na pinili mo ang hindi ka nahirapan, pero sa huli ay matinding lungkot at pagsisisi ang napala mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-31-32-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Muli mong mararansan ang nangyaring ginusto mo ang isang bagay na ayaw mo. Masasabi bang ikaw ay mahina? Hindi, dahil sadyang napakalakas ng gayuma mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-27-30-41-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maluwag at walang sagabal sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Kapag may nagtangkang harangan ka, langit mismo ang makakalaban nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-31-33-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang mga suwerte mo dahil ang mga ito ay kusang lalapit sa iyo. Kapag hinahanap mo, baka hindi mo makita at hindi suwerte ang mapunta sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-23-39-40-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ayaw mo, ayawan mo. Nagbababala ang araw na ito na kapag pinagbigyan ng kahit ilang sandali ang hindi mo gusto, maaaring hindi ka maniwala dahil ito ay magugustuhan mo na rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-25-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Maganda kapag ang pipiliin mo ay kung paano ka aasenso at nakakapanghinayang kapag hindi mo sinamantala ang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-39-41-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng payo sa mga alam mong higit na may kaalaman kaysa sa iyo. Huwag mong kakaligtaan ang tagumpay na madalas ay hindi nakukuha sa palakasan ng loob. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-18-21-23-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hintayin mo ang umalis dahil siya ay babalik. Ang totoo, magmamadali pa siyang bumalik sa buhay mo dahil madidilat ang kanyang mga mata sa kanyang pagkakamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-16-25-30-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka. Ang nauuna ay una ring nabibigo. Sa mga naunang kabiguan, makakakuha ka ng aral sa buhay na magbibigay ng garantiya na hindi ka matutulad sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-21-25-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matatapang na labanan ang hamon ng kapalaran. Sa ganitong paraan, tatapang ka rin at magtatagumpay sa bawat laban ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-21-28-30-33-37-40.