- BULGAR
- Apr 2, 2023
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 2, 2023
SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 2, 2023 (Linggo): Malambot ang iyong puso, tulad ng puso ng langit na nagmamahal sa mahihirap at sawing palad. Ikaw ang sanga ng grasya para magkawanggawa ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na ang tututukan mo ay ang pangangailangan ng mga mahal mo. Ikaw din ang makakapansin na hindi mo sila gaanong napagbibigyan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-20-24-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Ibigay mo ang hinihiling sa iyo, at gawan mo ng paraan. Matutuwa sa iyo ang langit at gagantimpalaan ka ng magandang kapalaran na ikakagalak mo ng lubusan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-18-21-24-28-34.
GEMINI (May. 21-June. 20) - Babagal ang galaw ng iyong buhay na may kaugnayan sa pagpaparami ng kabuhayan at bibilis naman sa aspeto ng pagmamahal sa nangangailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-29-31-37-38.
CANCER (June. 21-July. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Huwag mong hayaan na makalipas ang araw na hindi mo mapitas ang iyong buwenas. Gawin mo na ang nararapat na ginagawa ng isang taong masuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-22-25-27-40.
LEO (July. 23-Aug. 22) - Hindi na bago sa iyo na masama ang loob mo, ngunit hindi ka pa rin makatanggi sa mga taong ‘di naman tumutupad sa kanilang mga pangako. Muling iiral ang iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-26-28-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na ang susundin mo ay ang bulong ng iyong puso at hindi na mahalaga sa iyo kung tama ba o mali ang magmahal sa hindi karapat-dapat mahalin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-28-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na kitang-kita ang iyong panlabas at panloob na ganda. Kaya’t hindi nakakapagtaka kung bakit marami ang gustong maging bahagi ka ng kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-25-26-34-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gagawa ng paraan ang langit na mawala ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak dahil hindi ka puwedeng mabigo sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-30-32-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipagpatuloy mo ang kabutihang loob sa mga nangangailangan at wala kang dapat ipag-alala. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-28-30-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magsawang tumulong sa kapwa kahit negatibo ang naririnig mo. Hindi rin magsasawa ang langit na ipagkaloob sa iyo ang mga biyaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-20-22-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumabagal ang sasakyan kapag marami ang dumadaan. Huwag mong pansinin ang mga taong nakikialam sa iyong buhay, wala silang alam sa tunay mong nararamdaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-22-26-30-38-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahiramin mo ng liwanag ang madilim ang buhay. Sa totoo lang, hindi mababawasan ang liwanag ng iyong buhay kahit magpahiram ka pa. Bagkus, lalo ka pang magniningning. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-15-28-32-35.