ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 23, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 23, 2025 (Huwebes): Papalaki nang papalaki ang kikitain mo, lalo na kung may sarili kang negosyo. Pero kung wala, magiging masaya pa rin naman ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sumunod ka lang sa agos ng buhay upang makinabang ka. Hindi naman mahirap ang pormula ng pagpapayaman, lalo na kung gugustuhin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-22-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-aralan mong mabuti ang mga salitang iyong naririnig. Tandaan mo, nagkalat na ang mga mandaraya ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-10-14-23-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali nang sa gayun ay makita at maramdaman mo ang pagmamahal sa iyo ng isang nilalang na may malaking maitutulong para maabot mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-25-30-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Matatanaw mo na ngayon kung kailan ka sasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-18-22-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Panatilihin mo ang kakaibang kabaitan mo, dahil ito mismo ang hinahangaan sa iyo ng langit. Kaya ang mga biyaya at pagpapala ay dumadaloy sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12-24-28-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapatangay sa negatibong kaisipan na naglalabas-masok sa isip mo. Huwag mong kalilimutan na ang negatibo ay nagbubunga rin ng negatibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-21-29-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sikapin mong maayos ang gusot sa iyong buhay. Ikunsidera mo rin ang pagbibigay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-20-24-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gigil na gigil ang mga talunan. Umiwas ka sa mga ganitong tao. Kung ikaw ay nanalo na, magsaya ka upang dumaloy pa sa iyo ang ligaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-14-21-29-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawasan mo ang iyong pasanin sa buhay, nang sa gayun ay mas mabilis gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-17-27-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag maganda ang pakiramdam mo, tiyak na susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-11-18-21-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magdamot. Tulad ng dati, ‘wag kang pumili. Kapag ginawa mo ito maagang lalapit ang mga suwerte mo na may kaugnayan sa materyal na mga bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-28-30-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bagama’t medyo makulimlim ang panahon, bahagya namang nagpapamalas ang panahon ng summer, ibig sabihin ang magagandang kapalaran ay isa-isa nang darating sa buhay mo at mapapasabi ka na lang ng, “Mahal pala ako ng langit”. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-26-31-40-44.1