ni Angela Fernando - Trainee @News | March 18, 2024
Inaasahang aabot sa 2-milyong katao ang dadagsa sa mga pantalan para sa nalalapit na Semana Santa, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).
Mas mataas ang bilang ng mga inaasahang pasahero ngayong taon kumpara nu'ng 2023 na may 1.8-milyong katao ang naitala.
Saad ng Spokesperson ng PPA na si Eunice Samonte, pinakamarami ang dadagsa sa Holy Monday at kung kailan naka-leave na ang mga tao.
Kasalukuyang may limang pantalan silang inaasahang dadagsain tulad ng: Batangas Port; Panay, Guimaras port; Jordan, Guimaras port; Mindoro Calapan port; at Dumangas port.