ni Lolet Abania | May 30, 2022
Isinailalim ng mga awtoridad sa “red zone” ang limang barangay sa Zamboanga City dahil sa mga kumpirmadong kaso ng African swine fever (ASF) na tumama sa mga alagang baboy.
Ang limang barangay ay Mangusu, Curuan, Manicahan, Bunguiao at Pasonanca. Ayon kay Zamboanga City Veterinarian Dr. Mario Arriola nagsagawa na ng culling ng mga baboy sa loob ng 500-meter radius sa limang barangay.
Para madagdagan ang suplay ng mga karneng baboy sa siyudad, nagkaroon ng pagtuturo ang Zamboanga City Hog Raisers Association sa mga residente para sa tamang paraan ng hog raising habang nagsasagawa ng sanitation sa mga lugar.
Ang naturang association ay may programa, sa koordinasyon ng Department of Agriculture (DA), na nagbibigay ng 10 inahing baboy sa mga residente, alinsunod ito sa guidelines na itinakda ng asosasyon at ng Office of the City Veterinarian.