top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021



Iginiit ng Department of Health (DOH) na epektibo pa rin ang Sinovac ng China laban sa COVID-19 matapos maiulat ang 350 healthcare workers sa Indonesia na naturukan ng nasabing bakuna ngunit nagpositibo pa rin sa Coronavirus.


Pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, "Let's get the vaccine. Let us not be doubtful. Let's give that confidence.”


Saad pa ni Vergeire, "Hindi po natin maikakaila na may breakthrough infections... pero kailangan pa rin po natin ng kumpletong datos para ma-analyze nang maigi.”


Karamihan umano sa mga healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Indonesia ay asymptomatic at nagse-self-isolate sa bahay, ngunit ang ilan ay kinailangang i-admit sa ospital dahil sa mataas na lagnat at pagbaba ng oxygen-saturation levels, ayon kay Badai Ismoyo, head ng health office ng Kudus District sa Central Java.


Ayon naman kay Vergeire, kung 350 ang nagpositibo sa 5,000 health workers sa Indonesia, 7% lamang ito at masasabing epektibo pa rin ang Sinovac sa natitirang 93%.


Noong Enero nagsimulang magbakuna ang Indonesia sa mga healthcare workers na priority group at ayon sa Indonesian Medical Association (IDI), karamihan sa mga ito ay nakatanggap ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.


Ayon din naman sa public health experts sa Indonesia, bumaba ang bilang ng mga healthcare workers na namatay sa COVID-19 noong Enero hanggang Mayo ngunit nababahala sila sa pagtaas ng kaso sa Java.


Saad pa ni Dicky Budiman, epidemiologist ng Australia Griffith University, "The data shows they have the Delta variant (in Kudus) so it is no surprise that the breakthrough infection is higher than before, because, as we know, the majority of healthcare workers in Indonesia got Sinovac, and we still don’t know yet how effective it is in the real world against the Delta variant.”


Samantala, ayon kay Vergeire, hindi dapat mabahala ang mga Pilipino at wala pa umanong naitatalang kaso ng adverse events “which have direct causality with the vaccine."


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 18, 2021



Tinaasan ng pamahalaan ang deployment cap sa mga healthcare workers na nais magtrabaho abroad at mula sa dating 5,000, ginawa itong 6,500.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, maaaring i-deploy ang mga healthcare workers para sa mga mission critical skills (MCS) na mayroon nang kumpletong kontrata noong Mayo 31.


Saad pa ni Roque, “The Inter-Agency Task Force (IATF) on Thursday, June 17, 2021, increased the annual deployment ceiling of new hire healthcare workers (HCWs) for Mission Critical Skills (MCS) to 6,500.


“HCWs falling under MCS with perfected contracts as of May 31, 2021, shall form part of the adjusted ceiling.”


Paglilinaw ni Roque, ang mga healthcare workers na nasa ilalim ng government-to-government labor agreements ay exempted sa adjusted ceiling.


Matatandaang noong nakaraang taon, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng ilang opisyal na alisin na ang suspensiyon sa overseas deployment ng mga healthcare workers.


Nagpatupad kasi ng deployment ban ang pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy healthcare workers at upang hindi magkulang ang medical manpower sa bansa ngayong pandemya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Pinasalamatan ni Prince Charles ang mga Pinoy nurses at healthcare workers sa United Kingdom, lalo na ang mga nasa National Health Service ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.


Saad ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce kalakip ang video ng pasasalamat ni Prince Charles sa Twitter noong Biyernes, “A special message for the Philippines from HRH The Prince of Wales, as featured in our celebration of Her Majesty The Queen’s 95th Birthday.”


Pahayag ni Prince Charles, “We are more fortunate than we perhaps realize to have many thousands of nurses and other healthcare workers from the Philippines working in the United Kingdom, particularly in the National Health Service.”


Aniya pa, “To these wonderful, selfless people, I wanted to offer my most heartfelt gratitude for the outstanding care and comfort you give to your patients.


“You have made a truly remarkable contribution to the health and wellbeing of so many people across the country at such a difficult time.”


Samantala, ang naturang video message ni Prince Charles ay para na rin umano sa paggunita ng 75th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at United Kingdom.


Saad pa ni Prince Charles, “The bonds of friendship between us are stronger than ever. At a time when we have faced the unprecedented challenges of the coronavirus, those links have provided the foundation for us to work together towards a better future.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page