ni Jasmin Joy Evangelista | November 16, 2021
Inanunsiyo ng Department of Health na maaari nang magpa-booster doses ang mga fully-vaccinated health workers, simula Nov. 17, 2021.
Sa inilabas na advisory, inirekomenda ng DOH ang paggamit ng Moderna, Pfizer, at Sinovac vaccine regardless kung ano man ang naunang itinurok na bakuna, base sa emergency use authorization na in-issue ng Food and Drug Administration.
Sinabi rin ng health department na io-offer bilang booster ang Sinovac para sa mga nabakunahan ng naturang Covid vaccine.
Nakatakdang ilabas ng National Vaccine Operations Center ang guidelines ngayong araw, ayon sa DOH.