top of page
Search

ni Mylene Alfonso | April 20, 2023




Muling pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kahalagahan ng mga Filipino health workers.


Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital sa San Jose Del Monte, Bulacan, inihayag ni Marcos na nagpapasalamat sa kanya ang mga nakikilala niyang mga lider ng iba't ibang bansa dahil sa mga Pinoy health worker.


"Alam n'yo po, 'pag nakikipag-meeting ako sa lahat ng mga leader, lahat ng mga presidente, mga prime minister ng kahit saan, kahit sa Amerika, kahit sa Canada, kahit sa Europe, lahat, lahat nagtatanong -- puwede ba kaming kumuha ng workers, ng health workers sa inyo?" pagmamalaki ni Marcos.


"Dahil sa buong mundo, ang kauna-unahang hinahanap nilang health workers ay ang mga Pilipino at ang mga Pilipina," wika pa ng Pangulo.


"Kaya tayo naman, tayo naman ang naging beneficiary sa kanilang pagsakripisyo, ay dapat lagi tayong nagpapasalamat at kilalanin natin nang mabuti ang kanilang ginawang sakripisyo," ayon pa sa Pangulo.


 
 

ni Lolet Abania | June 19, 2022



Mahigit sa 120,000 healthcare workers (HCW) at iba pang personnel na nakasama sa pendemic response ng bansa ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang One COVID-19 Allowance (OCA), ayon sa opisyal ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo.


Sa isang radio interview, sinabi ni DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na 400,000 mula sa 526,727 healthcare workers ang nabigyan na ng kanilang OCA ng national government.


Ginawa ito matapos na ipabatid ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) president Dr. Jose de Grano nitong Huwebes, na karamihan sa mga pribadong ospital ay hindi pa nakatatanggap ng kanilang OCA sa kabila ng naging pahayag ng DOH at ng Department of Budget and Management (DBM).


Ayon kay Vega, nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang DOH sa PHAPI hinggil sa listahan ng mga ospital kung saan ang kanilang mga healthcare workers ay hindi pa nakatanggap ng kanilang OCA.


“Napag-usapan po namin kahapon kung puwede ibigay ni President Rene de Grano ‘yung mga hospitals na hindi pa nakatatanggap para ma-coordinate at mabigyan ng tugon.


Okay naman, sabi niya ibibigay niya,” sabi ni Vega. Matatandaang ang DBM ay naglaan ng P7.92 billion budget para sa COVID-19 allowance ng mga pampubliko at pribadong healthcare workers at non-healthcare workers.


Sa naturang halaga, P4.5 billion ay para sa benepisyo ng 100,313 plantilla workers ng DOH sa mga public hospitals, mga opisina at rehabilitation centers, kabilang na ang mga military at state university hospitals.


Habang ang natitirang P3.42 billion ay para naman sa 426,414 health workers na nakatalaga o stationed sa mga local government units (LGUs) at private health facilities, at iba pa.


Tiniyak naman ni Vega na ang mga healthcare workers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang COVID-19 allowance ay mabibigyan pa rin nito sa ilalim man ng susunod na administrasyon.


Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at naisabatas ang isang measure na nagmamandato para sa tuloy-tuloy na benepisyo sa lahat ng mga healthcare workers sa bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic at sa iba pang hinaharap na public health emergencies.


 
 

ni Lolet Abania | May 15, 2022



Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.081 billion budget para sa sickness at death benefits ng mga public at private healthcare workers at non-healthcare workers na tinamaan o maaaring na-contract ang COVID-19 habang sila ay naka-duty sa gitna ng pandemya ngayong taon.


Sa isang statement ng DBM ngayong Linggo anila, ang mga nakaranas ng mild o moderate na personnel ay makatatanggap ng P15,000, habang ang mga naging severe o critical ay makakakuha naman ng P100,000.


Sinabi rin ng DBM na ang mga pamilya ng mga HCWs at non-HCWs na nasawi dahil sa COVID-19 habang naka-duty ang mga ito ay makatatanggap ng P1 million.


“The identification of COVID-19 classification of eligible HCWs and non-HCWs shall be based on the criteria set by the health department under DBM-DOH Joint Circular No. 2022-0002,” pahayag ng DBM.


“The funds were charged against the regular budget of the DOH under the FY 2022 General Appropriations Act. Thus, the compensation will be transferred by the Department of Health to DOH-retained and corporate hospitals, DOH Treatment and Rehabilitation Centers, and Centers for Health Development, among other attached agencies and institutions,” dagdag pa ng ahensiya.


Tiniyak naman ng DBM na patuloy ang gagawin nilang pag-apruba ng budget na nakalaan para sa mga frontliners kasabay ng paglaban pa rin ng bansa sa COVID-19 pandemic. Una nang sinabi ng DBM na nag-release na sila ng P7.92 billion para sa allowance ng mga healthcare workers at iba pang personnel na kabilang sa COVID-19 response.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page