top of page
Search

ni Lolet Abania | June 28, 2021



Personal na humingi ng paumanhin si Makati City Mayor Abigail Binay sa publiko hinggil sa viral video ng isang volunteer nurse na nagkamali sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa isang residente ng lungsod, habang sinabi niyang isa itong matapat na pagkakamali na kaagad din namang naitama.


“We acknowledge the video, it was a human error on the part of the volunteer nurse. It happened last June 25. June 26, the video was shown to us na hindi po siya (indibidwal) nabakunahan, we apologize to the public [for this],” ani Binay sa Palace briefing ngayong Lunes.


Isang viral video ang kumalat kung saan makikitang itinuturok ng isang health worker ang karayom sa braso ng isang vaccine recipient na hindi itinutulak ang plunger, kaya naiwan ang substance sa loob ng heringgilya.


Gayunman, umapela ang mayor ng pang-unawa at maingat na pagpuna sa nasabing volunteer nurse, maging sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.


“Maawa po tayo sa nurse, kusang-loob po siyang naglaan ng kanyang oras, tao lang po, napapagod. Naitama naman agad ang pagkakamali. Humihingi rin siya ng tawad and we are giving an assurance na hindi na uli mangyayari ito,” diin ni Binay.


“Huwag na nating pagbintangan ng walang ebidensiya... para siraan ako, ang vaccination program ng Makati. Huwag nating gamitin ito para siraan ang vaccination program ng bansa,” dagdag ng alkalde.


Sa isang statement na nai-post sa Facebook page ng Makati City, sinabi ni Binay na ang insidente ay resulta ng “human error.”


Hinimok din niya ang publiko na mag-move on na at ituon na lamang ang isipan sa COVID-19 vaccine rollout.


Samantala, iniimbestigahan na ng Department of Health ang insidente kung saan itinuturing ito, ayon sa ahensiya na, “clear breach of vaccination protocol.”


Sinabi pa ng DOH na, “Immediate improvements in the protocol shall be made to ensure we limit the chances of this from happening again.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang nag-viral na video kung saan makikitang tinusok lamang ng health worker ng syringe ang braso ng nagpapabakuna kontra COVID-19 ngunit hindi ito ibinakuna.


Saad ng DOH, “The DOH is aware of the circulating video of a prospective vaccine recipient who failed to receive a proper dose of COVID-19 vaccine. This is a clear breach of vaccination protocol.”


Vinideohan ng recipient ang pagbabakuna sa kanya at napansin niyang hindi naibaon ng health worker ang syringe matapos itong itusok sa kanya.


Saad naman ng DOH, “The vaccination site was quick to address the mistake and she was successfully vaccinated after showing the video to the vaccination team.”


Pahayag pa ng ahensiya, "The Department (of Health) is investigating this breach in the vaccination protocol in coordination with the LGU (local government unit) concerned, and reminds all vaccinators to take extra care and attention during inoculation.”


Siniguro naman ni DOH Secretary Francisco Duque III sa publiko na hindi nila palalagpasin ang insidente at masusi nilang iimbestigahan para mapabuti ang national vaccination program.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page