top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 24, 2022



Umapela si Health Sec. Francisco Duque III, kamakailan, sa Talk to the People, na magpabakuna na ang lahat laban sa mga nakahahawang sakit kasabay ng pag-alala sa World Immunization Week, simula ngayong Linggo, Abril 24 hanggang Abril 30.


Ang World Immunization Week na mayroong temang “Magpabakuna na! Long Life for all, kaya sa Healthy Pilipinas!” ay may layuning isulong ang pagbabakuna sa mga bagong silang na sanggol, kabataan, buntis, at nakatatanda laban sa mga nakamamatay na sakit.


Tiniyak ng kalihim na lahat ng bakuna sa bansa ay ligtas, epektibo, at nagbibigay ng proteksiyon sa buong komunidad. Aniya, ang pagbabakuna ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga Pilipino upang magkaroon ng mahaba at malusog na buhay.


Anang kalihim, kaugnay ito ng panawagan ng kawani na magpabakuna na ang lahat laban sa nakahahawang sakit tulad ng kasalukuyang COVID-19 virus, upang masugpo ang patuloy na paglaganap nito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng herd immunity sa bansa.


Samantala, muling ipinaalala ni Duque na ang mga bakuna sa mga health centers ay walang bayad o libre.







 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Lunes nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight na may lulan ng naturang bakuna mula sa Beijing, China kaninang 7:30 AM.


Samantala, sina Health Secretary Francisco Duque, Vaccine Czar Carlito Galvez, Testing Czar Vince Dizon, at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 21, 2021



Umapela ang Iloilo City mayor sa national government na damihan ang suplay ng COVID-19 vaccine dahil sa tumataas na kaso ng Coronavirus sa naturang lugar at napupuno na rin ang mga ospital.


Saad ni Mayor Jerry Trenas sa teleradyo interview, "Ang mga ospital, punuan na, mga ICU beds, puno na rin, even the emergency rooms are filled up because patients are waiting to be accommodated in the room but the rooms are already full. As I have always said, we have to understand Iloilo City is a regional center and all referral hospitals are found here.”


Nangako naman umano sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque ng mas maraming bakuna ngayong linggo.


Saad pa ni Trenas, "Sinovac and some Pfizer. Hopefully they will come because we all know that the experience of developed countries — they were able to go back to at least normal when they started vaccinating people. You and I know we cannot be in quarantine forever. We all have to work.”


Aniya, 45,000 residente na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna at 9,000 naman ang nakakumpleto na. Target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang 450,000 residente, ayon kay Trenas.


Aniya pa, "It is very important we continue to observe the minimum health protocols even if you are vaccinated. We have cases of fully-vaccinated persons who continue to be infected.”


Kahit tumataas ang kaso ng COVID-19, ayon kay Trenas ay hindi nila maisailalim sa strict lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ang lugar dahil sa kakulangan sa pondo.


Aniya, "Medyo mahirap because we were already MECQ (modified ECQ) for 4 weeks already.


People are already complaining, they have no jobs, they cannot feed their families. Iloilo City continues to procure rice, canned goods but we can only do so much.


"I know that cases are increasing but we really have to find the balance between economy and health. We cannot afford to give out support to everyone."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page