ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 9, 2021
Pinagmulta ng Norwegian police si Prime Minister Erna Solberg matapos malabag ang social distancing rules sa inorganisa niyang family gathering para sa kanyang birthday party.
Ayon kay Police Chief Ole Saeverud, umabot sa 20,000 Norwegian crowns (P115,000) ang naturang multa.
Humingi naman ng paumanhin si PM Solberg dahil sa pag-organisa niya ng event para sa kanyang 60th birthday na dinaluhan ng 13 miyembro ng kanilang pamilya noong Pebrero.
Mahigpit na ipinagbabawal sa Norway ang mass gatherings na hihigit sa 10 katao dahil sa COVID-19 pandemic.
Paliwanag naman ni Saeverud sa pagpapataw ng multa kay PM Solberg, "Though the law is the same for all, all are not equal in front of the law.
"It is therefore correct to issue a fine in order to uphold the general public's trust in the rules on social restrictions.”
Ayon din sa pulis, ang asawa ni PM Solberg na si Sindre Finnes ay katuwang nito sa isinagawang selebrasyon at may nalabag man na batas, hindi na ito pinagmulta gayundin ang restaurant na pinagdausan ng event.
Pahayag pa ni Saeverud, “Solberg is the country’s leader and she has been at the forefront of the restrictions imposed to limit the spread of the virus.”