ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023
Pinaligiran ng Israel ang Gaza, isa sa pinakamalaking lungsod ng teritoryo at lugar ng Hamas, saad ng Israel matapos magbigay ang kabilang panig ng pahayag na nagsasabing malaking pinsala ang dinala ng kanilang militanteng grupo sa Israel.
Ayon sa punong tagapagsalita ng Israel na si Rear Admiral Daniel Hagari, binobomba nila ang mga lagusang ginawa ng Hamas na umaabot sa 100km sa ilalim ng Gaza.
Ito ay matapos gamitin ang mga lagusan para gamitin sa mga ambush na agad namang tinapatan ng mga tangke ng Israel.
Samantala, nakatuon ang mga operasyon ng Israel sa bahaging norte ng Gaza, naging biktima rin ng kanilang mga pag-atake ang bahaging timog ng lungsod.
Ayon sa ilang opisyal sa kalusugan ng mga palestino, umaabot sa 23 katao ang namatay sa magkasunod na panghimpapawid na atake ng Israel nu'ng Martes sa mga lungsod ng Khan Younis at Rafah.