top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 24, 2023




Dumating na sa 'Pinas ang abo ng Pinoy caregiver na namatay sa nangyaring pag-atake ng Hamas sa Israel nu'ng Oktubre.


Lumapag ang abo ng kinilalang si Paul Vincent Santiago na nasa urna nitong hapon ng Sabado na sinalubong ng ina nitong si Tessie Santiago sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3.

 

Bitbit ng asawa ni Vincent na si Jovelle Santiago, isang overseas Filipino worker (OFW), ang urna ng mister at dala-dala ang kanilang isang buwang gulang na anak na si Jhayzen.

 

Kabilang si Paul sa apat na OFW na nasawi sa digmaang Hamas group at Israel na nagsimula nu'ng Oktubre 7.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 17, 2023




Nag-anunsyo ang Department of Migrant Workers (DMW) na inaasahang darating ngayong Biyernes ang isa pang batch ng mga Filipino repatriates mula sa Israel.


Ito ay ang ika-8 batch na mga repatriate mula sa Israel na binubuo ng 32 Pinoy.


Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, umaabot na sa 264 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong matagumpay na nauwi sa bansa.


Samantala, tatlong karagdagang repatriates ang darating mula sa Lebanon, na may bilang na 31.


Umabot naman sa 150 Pinoy sa Lebanon ang naghihintay pang maproseso ang mga dokumento upang tuluyang makauwi na ng 'Pinas.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023




Nanawagan ang United Nations Security Council ng agaran at mahaba-habang tigil-putukan sa nagaganap na pag-atake ng Israel sa Gaza para magkaroon ng sapat na panahong makapagpasok ng tulong sa bansa.


Napagtanto ng konsehong binubuo ng 15 na bansa ang mga hakbang na hindi nila napagtagumpayan nu'ng nagdaang buwan, at nakakita ng daan para sa isang resolusyong naglalaman ng panawagang agaran at walang kondisyong pagpapalaya sa lahat ng bihag ng Hamas.


Nag-abstain ang Britain, Russia, at US sa botohan at pabor naman ang 12 na bansa para sa resolusyong isinulat ng Malta nitong Miyerkules.


Nakatuon ang naganap na pagdinig sa panandaliang paghinto o tuluyang tigil-putukan sa gitna ng Israel at Gaza na kailangan ding dumaan sa kanila upang maaprubahan.


Napagdesisyunan naman ng konsehong agarin at mas pahabain ang hiling na paghinto sa pag-atake ng Israel upang masigurong ligtas at maayos na makapasok ang mga tulong.


Sa kasalukuyan, ito ang panlimang subok ng UNSC mula nang sumalakay ang Hamas nu'ng Oktubre 7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page