ni Angela Fernando - Trainee @News | October 19, 2023
Ginunita ng ilan sa 16 overseas Filipino workers (OFW) mula sa Gaza sa kanilang pag-uwi nitong Oktubre 18 sa bansa ang nakakapanlumong dinanas magmula nu'ng Oktubre 7 matapos umatake ang Hamas sa Israel na nagresulta sa isang madugong giyera.
Saad ng isa sa mga OFWs na nakauwi sa bansa na kinilalang si Catherine Tolentino, dahil sa takot para sa kanyang buhay ay nagpaalam na rin siya sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Pero nitong Miyerkules, dahil sa tulong ng gobyerno ay nakalapag ang labing-anim na Pilipino at naiuwi sa kani-kanilang pamilya.
May umaabot sa 100 Filipinos sa Gaza ang makakauwi ng bansa kapag matagumpay na nakatawid sa Egypt.
Ayon naman sa officer in charge na si Undersecretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW), tiyak na ang kaligtasan ng umaabot sa 30,500 OFWs sa Israel.