top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 26, 2023




Naglabas ng footage ang Israel ng umano'y mga target ng militanteng grupong Hamas na tinamaan ng kanilang pambobomba nu'ng Miyerkules, Oktubre 24.


Ang mga nagkalat na parte ng mga gumuhong gusali ay naging dahilan para mahirapan ang mga Gazans na tuluyang makalikas.


Isinagawa ang pag-atake ng parehong araw na ikinasira ng mga nakatayong imprastraktura ng Hamas, ayon sa isang Telegram post ng Israeli army.


Pumatay ng hindi bababa sa 10 katao ang atake at marami rin ang sugatan.


Kinumpirma naman ng mga awtoridad ng Gaza na may 6,546 na Palestino na ang nasawi dahil sa nangyayaring karahasan, mas tumindi rin umano ang pag-atake ng Israel ng nagdaang araw.






 
 
  • BULGAR
  • Oct 25, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 25, 2023




Halos burado na at sira-sirang gusali ang bumungad sa mga tao ng Gaza sa kanilang patuloy na paghahanap ng mga nakaligtas sa pag-atake ng mga Israeli sa isang drone footage sa Khan Younis nitong Martes, Oktubre 24.


Ayon sa Palestine police, nasawi ang halos 5,791 katao na resulta ng sunud-sunod na pambobomba ng Israel.


Samantala, patuloy naman sa pagkuha ng mga labi sa mga gumuhong gusali ang mga rescuer at residente at nagbabakasakali pa ring makahanap ng mga survivor sa pambobomba.






 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 20, 2023



Kinondena ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang tahasang pagpapahayag ng suporta ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. sa bansang Israel nitong nakaraang Oktubre 11.


Pahayag niya nu’ng nakaraang Huwebes, Oktubre 19, hindi raw dapat nagbibigay ng suporta ang gobyerno sa ginagawang karahasan ng Israel bagkus ay ang pagkakaisa ng dalawang bansa ang dapat nitong matulungang makamit.


Ikinalungkot ng marami ang pagbibigay ng suporta ng Pangulo sapagkat marami na ang nawala sa nangyaring sunud-sunod na pag-atake.


Dapat daw kondenahin ang karahasang ginagawa ng Israel ngayon na kumitil sa libu-libong buhay ng mga Palestinians at hindi dapat na tawaging terorista ang mga militanteng Hamas.


Ani Brosas, “Expressing sadness is not enough. While some world leaders express their condemnation against Israel’s actions, it is disheartening to see the Philippine government offering ‘moral support’ to apartheid Israel and declaring Hamas as a terrorist organization.”


“These relentless acts of violence perpetrated by the Israeli Defense Forces (IDF) are clear violations of international humanitarian law and must also be condemned by the international community,” saad nito.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page